Daniel Padilla may panawagan sa KathNiel fans

Daniel Padilla wants fans to stop bashing Tony Labrusca.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/13/2017 10:11 AM
Daniel Padilla may panawagan sa KathNiel fans

 

Stand out ang mga Kapamilya artists sa naganap na announcement ng YES Magazine para sa 2017 Most Beautiful stars kung saan number one sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Dito, labis na pasasalamat ang ipinaabot ng KathNiel sa kanilang mga taga-subaybay na walang sawa ang suporta sa kanila.


"Thankful kami sa YES na kami yung pinili. Hindi talaga namin alam. Akala namin normal na pictorial lang namin. Wala akong idea noon. Kaya hinhintay ko kung kailan ba lalabas yung magazine na yun. Ito na pala yun. Kanina ko lang nalaman nung pumunta kami dito. Hindi talaga namin inaakala," ani ni Daniel.

Another milestone naman para kay Kathryn ang kilalanin ng YES magazine sa pangalawang pagkakataon bilang isa sa mga Beautiful Stars. Matatandaan na 2013 nang unang kilalanin si Kathryn ng magazine kung saan kasama naman niya si Julia Montes sa cover.

"Ang sarap makita kaming dalawa na this time sa cover kasi alam natin yearly, inaabagan ng mga tao iyan sa YES at para kami yung mapili for 2017, milestone ito. Buo ang pasasalamat namin sa YES sa tiwala," saad pa ni Kathryn.

Bukod sa kanilang achievement bilang number one Most Beautiful Stars, lumalakas din ngayon sa ratings ang tumitinding sagupaan ng mga bampira at lobo sa primetime teleserye nila na La Luna Sangre.

Dahil sa mainit na mga eksena sa La Luna Sangre, tila ilan din sa fans ng KathNiel ang nadadala na sa mga eksena na umaabot pa hanggang sa pangba-bash umano sa mga kalaban ni Malia at Tristan na si Jake na ginagampanan naman ni Tony Labrusca.

Kung kaya nanawagan si Daniel sa mga fans na maging mahinahon ang mga ito sa kanilang mga social media accounts.

 

 

Daniel Padilla @supremo_dp #danielpadilla may panawagan sa KathNiel fans #KathNiel

A post shared by Push (@pushalerts) on

"I’m sure aware si Tony na mangyayari yun. Kailangan niya tanggapin yun pero kailangan na rin tigil-tigilan ng mga fans. Tigilan niyo. It’s just a show. Relax lang. Huwag kayo nang-aaway ng mga tao dahil hindi naman sila yun. Character lang nila yun. Relax. Kung nagagalit kayo, effective ibig sabihin ‘di ba? Kaya guys, please!" pakiusap ni Daniel.

Pinuri din ni Daniel si Tony para sa naging mahusay na pag-ganap nito na kontrabida sa pagitan ni Malia at Tristan.

"Marami din namang natutuwa, may mga nakikita ako. Natutuwa sila kay Tony which is good ‘di ba? Meaning effective isya. Malaking tulong iyon sa amin," pahayag pa ni Daniel.

Bukod sa teleserye, puspusan na din si Daniel sa shooting ng kanilang pelikula ni Vice Ganda na The Revengers na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival kung saan matunog ang balitang may special participation si Kathryn sa pelikula.

"Basta lang maayos yung schedule kasi yung sa La Luna, every day talaga yung taping. Basta naman maayos yung schedule," pahayag pa ng KathNiel.