• Home
  • Fresh Scoops
  • Pangarap ng aktres ang umarte sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Bela Padilla, na-challenge sa pagiging kuba

Pangarap ng aktres ang umarte sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/14/2017 01:27 AM
Bela Padilla, na-challenge sa pagiging kuba

 

Mapapanood ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya si Bela Padilla sa isang mapanghamon na papel, kung saan career ang naging prosthetics at physical transformation ng magandang aktres na gumanap sa istorya ng buhay ni Melanie na isang kuba.

"Marami physical preparations, ayun nagpa-spray tan ako, initiman nila buhok ko, nag-contact lens ako, tapos may body prosthetics ako sa likod kasi kuba ang role ko," kuwento ni Bela.


Nakaka-inspire na kuwento ng isang babae na kahit may kapansanan ay gagawin pa rin ang lahat para sa ika bubuti ng kanyang mga mahal na buhay.

"Maganda yung kuwento, very inspiring ang story niya kaya gusto namin mas close as possible doon sa look niya," sabi pa ng aktres.

At ayon din kay Bela ay na natupad ang isa sa kanyang "goals" na gumanap sa isang makabuluhang episode ng longest running drama anthology sa bansa.

"Matagal na ako naghihintay ng MMK episode. Di ba lahat ng artista pangarap yun?" pagtatapos ni Bela.