• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ng aktres, single na siya diumano nung nagsimula silang magdate ni Luis Manzano.

Jessy Mendiola, umalma sa akusasyon na ‘two-timer’ siya

Sinabi ng aktres, single na siya diumano nung nagsimula silang magdate ni Luis Manzano.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

07/13/2017 12:01 AM
Jessy Mendiola, umalma sa akusasyon na ‘two-timer’ siya

 

Inaakusahan di umano ng nanay ni JM de Guzman ang ex-girlfriend ng kanyang anak na si Jessy Mendiola na “sinungaling” at isang two-timer. Mariin namang pinabulaanan ni Jessy ang paratang na ito ng ina ni JM at sinabing single na siya nang mag-date sila ng boyfriend niya ngayon na si Luis Manzano.

“Friends kami ni Luis dati pa, pero hindi kami 'yung laging nagkikita. Noong time na ‘yun, naging close lang kami because of that incident,” kwento niya sa PEP.


Read: Jessy Mendiola denies 'two-timer' accusation of JM de Guzman's mom

Read: Enrique Gil apologizes for altercation on London flight

“May mga bagay talaga na hindi mo maku-control. Siguro caught up pa siya sa past, sa mga nangyari dati. Ako, alam ko ang totoo. Siguro ‘yun ang opinyon niya or whatever. Wala, hindi naman siya kasali sa relasyon namin, so hindi niya alam talaga ang nangyari. Naiintindihan ko naman siya. May sarili din akong nanay. Palaban din 'yun, minsan nga pinipigilan ko na,” dagdag pa ni Jessy.

Sinabi rin ng aktres na hindi siya pumapasok sa isang relasyon na walang “clean slate.”

“For me kasi, bago ako pumasok sa isang relasyon at papayagan ko ang isang tao na i-pursue ako, sisiguraduhin ko na clear lahat. Clean slate lahat. Kumbaga, kung ano 'yung dati, iyon 'yun. Hindi ka dapat pumasok sa bago kung may kalabuan pa. Dapat sarado lahat.”