• Home
  • Fresh Scoops
  • Boy Abunda believes anything is possible for someone of Kris Aquino’s talents.

Boy Abunda reacts to rumors of Kris Aquino returning to ABS-CBN

Boy Abunda believes anything is possible for someone of Kris Aquino’s talents.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/12/2017 10:10 AM
Boy Abunda reacts to rumors of Kris Aquino returning to ABS-CBN

 

Biglang umugong ang balita nitong mga nakaraang araw na babalik sa ABS-CBN si Kris Aquino. Pero base sa posts ni Kris sa kanyang Instagram account, gusto lang niyang manahimik habang nagkakaroon ng negosasyon tungkol dito.

Sa interbyu kay Kuya Boy Abunda na kilalang malapit kay Kris sa The Eddys Award kung saan siya ang recipient ng Joe Quirino award, wala itong kinumpirma sa balita.


Aniya, “I don’t know. Kris is doing so well with her digital platform, on the way here, pinapanood ko ang The Kris List (digital show ni Kris na napapanood sa YouTube), napakaganda. I don’t know, I really don’t know.”

Ayon pa sa King of Talk, lahat naman daw ay posible. Kung hindi man daw sa ABS-CBN, puwede rin namang bumalik sa telebisyon si Kris kahit sa ibang TV network.

“Everything is possible. Sa akin, for somebody as big and as talented as Kris, anything is possible,” sambit pa niya.

Gusto ba niya na bumalik si Kris sa ABS-CBN?

“Kung ako ang masusunod, I’d like her to follow her heart. Only Kris knows what’s best for her. I will support what she does,” sagot ni Kuya Boy.

Patuloy pa niya, “But I am not in a position where she should go. Alam ni Kris kung saan siya nararapat.

“And that girl knows what she deserves and how to get there. Huwag tayong magkunwari na nagdudunung-dunungan at mas marami pa tayong alam kesa sa kanya. That girl is brilliant,” he said.

When asked kung ano ang masasabi niya sa international film ni Kris at ang sey niya, “What you know is what I know.”

Dagdag pa ni Kuya Boy, “I’m glad that she got the role. I can’t speak about it. I don’t know much about it.

“I am not in authority to speak about it in details. May mga konti akong alam pero hahayaan kong sila ang mag-anunsyo noon.”

Samantala, bagama’t hindi raw sila nag-abot sa mundo ng TV hosting ni Joe Quirino ay kilala raw niya ang magaling na TV host dahil napapanood niya ito dati sa Seeing Stars with Joe Quirino.

“Kilala ko siya. I had the chance to know Mang Joe Quirino. Napaka-simple niyang tao,” kuwento pa niya.

Sa Tonight With Boy Abunda ay muling nagpasalamat ang King of Talk sa The Eddys na binubuo ng mga entertainment editors at sa yumaong host dahil kung ano raw ang trabahong ini-enjoy niya ngayon ay si Joe Quirino ang nagpasimula.