Zsa Zsa Padilla inalala ang death anniversary ni Dolphy

Nag-request din ang Divine Diva ng panalangin mula sa kanyang followers sa Instagram para sa Hari ng Komedya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/11/2017 4:18 PM
Zsa Zsa Padilla inalala ang death anniversary ni Dolphy


 

Hindi pa rin nakakalimutang gunitain ni Zsa Zsa Padilla ang pagkamatay ng dati niyang minamahal na si Mang Dolphy. Nagpunta siya ng The Heritage sa Taguig City kung saan nakahimlay ang Comedy King para dalawin ang puntod nito.

Nitong July 10 ang 5th death anniversary ni Dolphy at nag-alay ng panalangin at nagdala pa si Zsa Zsa ng isang magandang flower arrangement sa puntod ng kanyang dating iniirog.

Nag-request din ang Divine Diva ng panalangin mula sa kanyang halos 500K plus na followers sa Instagram para sa Hari ng Komedya.

“Today marks the 5th year of Dolphy's passing. Although he lives in our hearts and mind, he is greatly missed,” post ng singer-actress.

“Please say a little prayer for him... Oh Lord, the God of mercies, grant unto the souls of Thy servants the anniversary day of whose burial we are keeping, a place of solace, of peaceful rest, of glorious light. Through Christ our Lord. Amen,” dagdag pa niya.

 

Marami naman ang natuwa sa napakagandang gesture ni Zsa Zsa dahil kahit meron na siyang bagong pag-ibig sa katauhan ni Architect Conrad Onglao ay hindi pa rin nito nakaliligtaang dumalaw sa puntod ni Dolphy.