• Home
  • Fresh Scoops
  • Phoebe Walker also reacts to 2017 MMFF movie selection controversy.

Phoebe Walker intresado makipagbarilan kasama ni Coco Martin sa ‘FPJ'S Ang Probinsyano’

Phoebe Walker also reacts to 2017 MMFF movie selection controversy.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/11/2017 12:12 PM
Phoebe Walker intresado makipagbarilan kasama ni Coco Martin sa ‘FPJ'S Ang Probinsyano’
Photo credits to phoebecatherinewalker IG

 

Nora Aunor --abs-cbn newsMagbibida sa isang kontrobersyal at napapanahong pelikula si 2016 Metro Manila Film Festival best supporting actress Phoebe Walker para sa pelikula ng Viva Films na Double Barrel.

Mula sa kanyang markado at award-winning na role sa Seklusyon, aminado si Phoebe na malaking adjustment ang kanyang ginawa para sa pelikula.


 

Manuod po kayo hanggang Jan 7! Suportahan po natin ang mga pelikulang Pilipino! #SeklusyonBoxOffixeHit

A post shared by Phoebe Walker (@phoebecatherinewalker) on

"The movie is about EJK which is timely talaga. Based on a true story kasi. Yung characters namin ni AJ Muhlach are based on a documentary na mag-asawang tirador talaga and all the stunts and barilan ay walang daya. Kami po talaga ang gumawa kaya salamat kay Direk Toto Natividad," ani pa ng dalaga.

Dahil nag-uumpisa ng sumabak sa action movies, nagpahayag din ng interest si Phoebe kung sakaling kailanganin ni Cardo ng babaeng sidekick sa top-rating teleserye na Ang Probinsyano.

 

"Yes sana nga po makita ni Coco (Martin) ang movie namin, kahit small role lang why not, ‘di ba? Or kung gusto niya bilang madre ulit pwede ako ulit," pagbibiro pa ng dalaga.

Bukod sa kanyang Double Barrel movie, nagpahayag din ng saloobin si Phoebe bilang 2016 best supporting actress sa MMFF sa pasahan ng entry para sa 2017 Metro Manila Film Festival.

"For me, I understand na kailangan ng commercial side din for the festival, but then it’s great that the try something new din last 2016 which they include indie films kumbaga lahat e welcome," sabi pa ng aktres.

Ayon pa kay Phoebe, bilang isang baguhan sa industriya ang pagkakaisa ng mainstream at indie ay ang nakikita niyang sagot para magkaisa at maidaos ng mapayapa ang darating na MMFF.

"This year if they made the decision to go back to mainstream siguro it would be better if they mixed it like yung may indie films and may big house productions parang ganun po."

Ganun pa man malaki ang pasasalamat ni Phoebe dahil naging parte siya ng isa sa pinakapinagusapan na 2016 MMFF kung saan naitanghal siya bilang Best Supporting actress.

"A lot of people are glad with what happened last year. Kumbaga naging staple for indie films ang 2016 MMFF which is great for me kasi kabilang ako doon and forever na akong in the books," pagtatapos na pahayag ni Phoebe.