• Home
  • Fresh Scoops
  • Is superstar Nora Aunor calling it quits on the movie industry?

Nora Aunor, ayaw ng gumawa ng pelikula?

Is superstar Nora Aunor calling it quits on the movie industry?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/11/2017 12:20 PM
Nora Aunor, ayaw ng gumawa ng pelikula?
Photo credits to abs-cbn news

 

Present sa katatapos lang na star-studded The Eddys Awards si Superstar Nora Aunor upang magbigay suporta sa kanyang mga kaibigang entertainment editors na nanguna sa pagbibigay parangal.

Dito nakapanayam ng PUSH si Ate Guy para kuhanin ang kanyang reaksyon sa umiinit na diskusyon ng mga jurors at namumuno ng 2017 Metro Manila Film Festival.


"Kasi kung ako ang tatanungin mo, hangga't maari ayaw ko na gumawa ng pelikula. Gusto ko ibalik nalang ang mga pelikulang ginagawa ko noong araw tulad ng mga Tatlong Taong Walang Diyos, Bona, at Himala. Ayaw ko ng gumawa ng mga 10 shooting days kasi unang-una pag hindi na recognize yung ibang tao, ang napapasama e yung artista," sabi pa ni Nora.

Para pa kay Ate Guy, ang paggawa at pagsulong ng independent movies ay nagsisilbing oportunidad din ng mas marami pang trabaho para sa mga manggagawa sa movie industry.

"Hindi sa ano pa mang bagay, hindi sa nagmamalaki, malaking tulong yun at malaking tulong din sa mga direktor natin na kailangan gumawa din naman tayo ng mga pelikulang indie. Dahil sa halimbawa sa mga bata nating direktor ay madami din ang magagaling kaya siguro depende na yun sa kuwento o material na gagawin ng isang artista," paliwanag pa ni Nora.

Napapaligiran ng kontrobersya, umaasa ang Superstar na maaayos at maresolba agad ang gusot sa pagitan ng mga filmmakers at film festival committee.

"Sa industriya dapat nagkakaisa lahat. Maging artista ka, direktor o kung sino man na mga jury ng ating mga festivals dapat may pagkakaisa talaga at tignan natin kung sino talaga yung matinong pelikula. Hindi yung palakasan kasi may ibang judges na pabor kay ganito, kay ganyan ‘di ba? So sana hindi tinitignan sa ganung sitwasyon sana piliin ang mga pelikula na karapat dapat para doon sa festival talaga," pahayag pa ng Superstar.

Sa ngayon, abala si Ate Guy sa isang kaabang-abang na proyekto kung saan gaganap siya bilang isang inang lesbiana.