• Home
  • Fresh Scoops
  • Kisses Delavin at Marco Gallo, gagalingan ang lahat ng projects para sa fans

Kisses Delavin at Marco Gallo, gagalingan ang lahat ng projects para sa fans

Kisses Delavin at Marco Gallo nagbigay ng detalye tungkol sa kanilang bagong pelikula at show.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/11/2017 9:47 AM
Kisses Delavin at Marco Gallo, gagalingan ang lahat ng projects para sa fans


 

Sinalubong ng mainit na hiyawan at malakas na palakpakan ng mga fans sila Kisses Delavin at Marco Gallo sa kanilang pagdating sa red carpet ng Kia Theater bilang mga presenter ng award sa katatapos lang na The Eddys Awards.

Dito nagbigay update ang dalawa sa kanilang upcoming movie na Loving In Tandem kung saan makakasama nila si Maymay Entrata at Edward Barber.

"Yung movie so far, first taping day ko pa lang. Pero masaya kami so far sa movie kasi we’re going to star in our newest teleserye," kuwento ni Kisses.

Excited din ang ka-love team ni Kisses na si Marco para sa kanilang unang pelikula na pagsasamahan.

"Sigurado kami na matutuwa sila sa movie kasi kaming apat na actors, kami natutuwa kaya magugustuhan nyo po," sabi pa ni Marco.

Naibahagi din ni Kisses at Marco ang isa pang kaabang-abang na proyekto na kanilang gagawin kung saan sila ang mga bida sa episodes ng Wansapanataym.

"Kasama po namin si Awra Briguela and siya po ang superhero here. yYung character namin, ako po cheerleader tapos siya naman po si captain ball," ani pa ni Kisses.

Pangako pa ng dalawa para sa kanilang fans, gagalingan nila ang bawat projects na dumarating sa kanila ngayon.

"Siyempre it's a lot pressure on us pero masasabi namin na gagalingan namin kasi natutunan namin yan sa PBB na never give up so ibibigay namin ang lahat," pahayag ni Marco.

Tiniyak din ni Kisses na magiging masaya ang kanilang mga taga suporta sa mga proyekto na kanilang gagawin.

"Sisiguraduhin namin na ang bagong chapter na ito ng aming career at magiging masaya!" pagtatapos na pahayag ni Kisses at Marco.