• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes and Ali Khatibi want to work on a project together.

Ano-ano nga ba ang bilin ni Cristine Reyes sa pagpasok ni Ali Khatibi sa showbiz?

Cristine Reyes and Ali Khatibi want to work on a project together.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/11/2017 09:45 AM
Ano-ano nga ba ang bilin ni Cristine Reyes sa pagpasok ni Ali Khatibi sa showbiz?

 

Stand out ang mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi sa katatapos lang na The Eddys Awards kung saan isa ang couple sa mga presenters.

 

Dito naibahagi ni Cristine ang kanyang kasiyahan para sa asawa na Ali na magbibida na din para sa unang action movie nito na Double Barrel.

"Actually I'm very proud of him kasi he's super shy talaga, pero he's trying his best and he's enjoying it," ani pa ni Cristine.

Dahil ito ang unang beses na sumabak si Ali sa pag-arte, kuwento ni Cristine na isa sa naging bonding nilang mag-asawa ang pag babahagi niya sa asawa ng tips kung paano umarte.

"Yes, nag-uusap kami and sometime he asks me about stuff on acting, mga tips din minsan. Nag-share din naman ako ng mga natutunan ko din sa kanya," sabi pa ni Cristine.

Malaki din ang pasasalamat ni Ali para sa asawa dahil sa guidance nito sa kanya.

"She guides me, she told me na learn to know my character, pag-aralan ko mabuti, and tanggalin ko daw. Ang hiya kasi yun ang mag hold back sa ‘yo." kuwento naman ni Ali.

Kung papalarin naman daw, bukas din ang mag-asawang Cristine at Ali kung sakaling ma bigyan sila ng proyekto ng magkasama.

"Why not? Okay ako doon," pahayag pa ni Cristine.