• Home
  • Fresh Scoops
  • Maayos na ang lagay ng pamilya Escueta matapos maaksidente ang sinasakyang SUV kaninang madaling araw.

Mark Escueta, ikinuwento kung paano sila naaksidente

Maayos na ang lagay ng pamilya Escueta matapos maaksidente ang sinasakyang SUV kaninang madaling araw.

BY
Gary Ann Lastrilla

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

07/10/2017 03:11 PM
Mark Escueta, ikinuwento kung paano sila naaksidente
Photo credits to Mark Escueta Facebook

 

Matapos maaksidente ang sinasakyang SUV kaninang madaling araw, nagpasalamat ang asawa ni Jolina Magdangal na si Rivermaya frontman Mark Escueta na maayos na ang kanilang kalagayan.

READ: Jolina Magdangal at kanyang pamilya, naaksidente


Sa isang Facebook post ngayong Lunes, Hulyo 10, ikinuwento ni Mark ang nangyari.

Our car was hit from behind last night by a van whose driver had fallen asleep at the wheel. We were at the stoplight in front of the Philippine Heart Center at around 1:30am, on our way to the airport to catch a 5am flight to HongKong.”

Our rear windshield was totally shattered and I could see the driver of the van. Their windshield was also gone and I saw that he was in pain from being pinned to his seat by the steering wheel and dashboard.”

Ipinagpasalamat ni Mark na walang nangyaring masama sa tatlong taong gulang na anak nilang si Pele na parating naka-seatbelt tuwing sila’y bumibiyahe.

“Kaya lang may malaking bukol kaagad si Jolina sa likod ng ulo niya. ‘Di namin alam kung anong tumama. Kaya gusto ko sana siyang dalhin sa ospital agad.”

I tried to ask for assistance from The Heart Center, and East Avenue Medical Center but both were unable to help. We decided to book an Uber and we we're fortunate that there was a car already on East Avenue. The driver brought us straight to St. Luke's E. Rod.”

Aniya ni Mark, wala naman daw nakitang problema sa CT Scan at X-ray results ni Jolina pati na rin sa kanyang X-ray result, kung kaya’t around 6 in the morning ay na-discharge na sila. “Kailangan lang observe for the next few days. Thank you Lord,” ani ng band vocalist.

Sa huli ay nagpasalamat si Mark sa mga nagpaabot ng concern para sa kanila. Nagbigay din siya ng advice para sa mga nagmamaneho. “’Pag inaantok habang nagmamahaneho, please itabi agad at umidlip. Please.”

Basahin ang buong pahayag dito: