• Home
  • Fresh Scoops
  • Bida sa 2017 Metro Manila Film Festival entry ng Coco Martin Productions “Ang Panday” si 2017 Binibining Pilipinas International Mariel De Leon.

Christopher de Leon, suportado ang anak na si Mariel sa pagpasok nito sa showbiz

Bida sa 2017 Metro Manila Film Festival entry ng Coco Martin Productions “Ang Panday” si 2017 Binibining Pilipinas International Mariel De Leon.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/10/2017 07:39 PM
Christopher de Leon, suportado ang anak na si Mariel sa pagpasok nito sa showbiz
Photo credits to mariaangelicadl IG

 

Bida sa 2017 Metro Manila Film Festival entry ng Coco Martin Productions “Ang Panday” si 2017 Binibining Pilipinas International Mariel De Leon. Siya ang leading lady ng bidang si Coco Martin sa pelikula.

Dahil dito, isa ang ama ni Mariel na si Christopher De Leon sa mga excited para sa pag-uumpisa ng dalaga sa pagpasok nito sa showbiz.


Sa panayam na ito kay Boyet sa katatapos lang na The Eddys Awards, ibinahagi nito ang dahilan kung paano siya nakumbinsi na payagan si Mariel na gumanap bilang leading lady ni Coco.

"Sabi naman ni Coco, aalagaan niya ang anak ko. He's a nice guy. She's in safe hands. ‘Yung offer as Coco Martin’s leading lady in 'Panday' is an offer you cannot refuse. Kasi medyo apprehensive siya when it comes to her acting career but sabi nga ng one of my friends kanina, even my mom said, 'Nanggaling sa pelikula, television at entertainment business ang pinakain mo diyan. It's in her blood so why not?' pahayag ni Boyet.

Naibahagi din ng aktor kung paano naman nakumbinsi ang kanyang anak na from beauty queen ay pasukin na din nito ang mundo ng pag-arte.

"This is a big offer. This is not just one of those run in the mill thing like in my case when they offered me 'Tinimbang Ka Ngunit Kulang',” sabi nito.

Kuwento pa ni Boyet, ngayon pa lamang daw ay nagbibigay na sila ng kanyang asawa na si Sandy Andolong ng mga tips at advices kay Mariel kung paano ang tamang pagharap sa camera kapag umarte na ito.

"We’ve been talking to her about how to place herself in front of two cameras, three cameras. Tips like how to deliver your lines, to use your eyes. Stuff like that." Ani pa ni Boyet

Bukod sa tip sa pag-arte, siksik din daw sa pangaral ang kanilang anak ngayong nag-uumpisa na itong gumawa ng pangalan sa showbiz.

"Ang mother niya laging sinasabi sa kanya, 'You always respect the views of others.' Ako naman, in all of her victories, just stay humble. Humility in victory in short," pagtatapos na pahayag ni Boyet.