• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakilala ni Liza ang pamilya Ravelo sa opening ng ToyCon sa SMX Convention Center sa Pasay.

Liza Soberano nanguna sa pagbubukas ng 2017 Toy Convention sa Pilipinas

Nakilala ni Liza ang pamilya Ravelo sa opening ng ToyCon sa SMX Convention Center sa Pasay.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/01/2017 04:05 PM
Liza Soberano nanguna sa pagbubukas ng 2017 Toy Convention sa Pilipinas

 

Present sa naganap na Toy Convention ang fit at sexy na si Liza Soberano para pangunahan ang opening ng taunang event na dinadaluhan ng mga toy enthusiast.

 


Bukod kay Liza present din ang ilan sa Hollywood personalities sa ToyCon tulad nina Charlie Bewey, Kevin McNally, at Karen Fukuhana na gumanap sa iba't ibang sikat na karakter mula sa Twilight, Pirates of the Caribbean at Suicide Squad.

 

"It's so fun seeing the characters I grew up watching, I'm very happy to be here meeting people who keep the comic industry alive and I'm very happy to be in this event kasi dito naman talaga nag-umpisa si Darna," pahayag ni Liza.

Kasama din sa mga nakilala ni Liza ang pamilya ni Mars Ravelo, creator ng iconic Pinay superhero na si Darna, na nagbigay pa ng isang regalo para kay Liza.

 

 

 

Liza with the Ravelo family #LizaAtToyCon2017 #ToyCon2017 #Darna

A post shared by STAR Cinema (@starcinema) on

"Yes, they congratulated me and I'm very thankful for the warm welcome they've given to me and I'm very happy that I was able to meet them and I hope someday I can pass on the legacy of Darna," sabi pa ni Liza.

Dito pinasalamatan din ng dalaga ang mga former actresses na gumaganap bilang Darna tulad ni Angel Locsin para sa pag-welcome sa kanya bilang bagong Darna.

"I'm very thankful of course sa kanila na galing, na parang approved ako sa kanila para maging next Darna. Siyempre established actresses na sila, so it's really overwhelming that they are rooting for me," ani ng young star.

Ibinahagi din ng dalaga na unti-unti na siyang napapalapit sa karakter ni Darna sa tulong na din ng mga binigay na regalo sa kanya ni Angel.

 

"Actually I read the first three comic books that ate Angel gave me and I'm trying to get more insight on how she is (Darna)," paliwanag nito.

See more photos on StarMagicphils.ABS-CBN.com: PHOTOS: Liza Soberano at ToyCon 2017