• Home
  • Fresh Scoops
  • Keanna Reeves seeks help of NBI for her hacked Facebook account.

Keanna Reeves on her hacked Facebook account: ‘Naawa ako sa anak ko na siya yung napahiya sa mga tao’

Keanna Reeves seeks help of NBI for her hacked Facebook account.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

07/01/2017 11:11 AM
Keanna Reeves on her hacked Facebook account: ‘Naawa ako sa anak ko na siya yung napahiya sa mga tao’

 

Sa TV Patrol, ibinalita na dumulog si ex-Pinoy Big Brother winner at sexy actress Keanna Reeves sa NBI CyberCrime Division dahil diumano may nag-hack sa kanyang Facebook account.

Ayon sa report, hindi na ni Keanna ma-access ang kanyang account at iniba na rin ang pangalan nito. Dagdag pa ni Keanna, nakipag-chat ang hacker sa mga kaibigan niya at nag-aalok ito na makipagtalik.


Aniya, “siyempre hinack niya yung Facebook ko. Marami siyang planong gawin, sirain ako or perahan niya or perahan niya yung mga Facebook friends ko.”

Inupload din ng hacker ang mga private nude pictures na nakatago sa account ni Keanna. Ayon sa report matagal na nakatago ang mga private pictures na ito at hindi na inakala ni Keanna na mauungkat pa. Dahil dito napagalitan diumano si Keanna ng kanyang anak.

“Naawa ako sa anak ko na siya yung napahiya sa mga tao na nakita yung nanay niya na nakatiwangwang dun.”