• Home
  • Fresh Scoops
  • Star Cinema explains how they decided to put Ronnie Alonte’s name in the billing.

EXCLUSIVE: Ronnie Alonte nag-react sa billing issue sa ‘Bloody Crayons’

Star Cinema explains how they decided to put Ronnie Alonte’s name in the billing.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/01/2017 09:49 AM
EXCLUSIVE: Ronnie Alonte nag-react sa billing issue sa ‘Bloody Crayons’

 

Hindi alam ni Ronnie Alonte kung paano sasagutin ang billing isyu na itinanong namin sa kanya during the presscon of Bloody Crayons ng Star Cinema na ipapalabas on July 12 under the direction of Topel Lee.

Sa poster kasi ng pelikula, nasa taas ang pangalan nina Janella Salvador, Elmo Magalona na kahilera ng pangalan ng iba pang cast na sina Sofia Andres at Diego Loyzaga.


Bukod tanging ang pangalan lang ni Ronnie Alonte ang solong nasa ilalim na meron pang “and” na ang ibig sabihin ay siya ang pinakabida sa pelikula.

“Ay, hindi ko po alam yan, puwede pong humingi ng tulong (sa pagsagot),” nagtatakang reaksyon ni Ronnie.

Nagpaliwanag din si Mico del Rosario (AdProm head ng Star Cinema at Star Creatives) kung bakit ganu’n ang billing ni Ronnie.

Aniya, “Management decision po yan. Yung pinaka-senior po in terms of filmography came in “first” and “last”, so it’s Janella and Ronnie.

“Sinasabi ko nga sa mga bata kanina, it’s not about billing, it’s how you do your work.”

Kunsabagay, pangatlong lead role na ito ni Ronnie na nagsimulang maging movie actor sa 2016 MMFF movie na Seklusyon at Vince and Kath and James. Tama rin lang naman na bigyan siya ng ganitong pagpapahalaga ng Star Cinema.

Sa hiwalay na interview namin kay Ronnie, nagbigay siya reaksyon sa sinabing management decision ng Star Cinema na lagyan ng “and” ang pangalan niya sa billing ng Bloody Crayons.

“Sobrang saya ko po kasi na pinagkatiwalaan nila ako at nilagay nila ako sa ‘and’ na yon after ng pangit na kinalabasan sa Vince and Kath and James, kasi ang daming namba-bash sa acting ko do’n, pero nagtiwala pa rin po sila sa akin dito sa Bloody Crayons.

“Aminado naman po ako sa lahat. Tatanggapin ko kung anong sasabihin sa akin ng tao, basta ako, ginagawa ko lang yung trabaho ko bilang artista and nakakapagpasaya ako ng mga tao,” paliwanag ng guwapong aktor na gumaganap din bilang si Tupe sa primetime series ng ABS-CBN na A Love To Last.