• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Ejercito is filing a joint custody petition for Ellie Eigenmann.

Jaclyn Jose calls out Jake Ejercito and mom Laarni Enriquez on social media

Jake Ejercito is filing a joint custody petition for Ellie Eigenmann.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

06/09/2017 01:32 PM
Jaclyn Jose calls out Jake Ejercito and mom Laarni Enriquez on social media

 

Nagsalita si Jaclyn Jose tungkol sa ongoing joint custody petition ni Jake Ejercito at mukhang ayaw niya ang planong ito. Sa kanyang Instagram posts, nagbuhos ito ng galit kay Jake at sa ina nitong si Laarni Enriquez at sinabing wala naman itong suporta na natatanggap noon sa kanila.

“Jake, ubos na pasensiya ko sa inyo. This is the 1st time i am gonna talk about you and your mom? In public! Pinapalabas nio in private that my daugther is not capable in raising Ellie? For that law suit? Kelan ka ba andito? Kelan namin pinag damot si ellie? Pakibalik apo ko kasi bibilhan ko pa ng uniform at scholl supply! Ano naibigay nio? Photos ? Posting? D naman alam ng tao? Publicly kung ano ka bilang ama!” ani Jaclyn.


“Kahit 1 mineral water d kayo nag padala! 3 years bago nio nalaman? Wag ! Pls. Nakikiusap ako sa inyo.June 22 hearing abt what? Na gusto mo pag andito ka sa iyo si Ellie? Ni hindi mo nga kayang ipaglaban sarili mo! Try me jake! My grand child have a good heart you know that i will not allow any one to take that away from her,” dagdag pa niya.

 

 

Alam daw niyang magagalit si Andi sa ginawa niya pero hindi na daw niyang kaya itago ang kanyang nararamdaman.

 

 

 

 

Sumagot naman ang kampo nina Jake at Laarni at nakiusap na itigil niya ang paglalabas ng galit sa social media. Nagbigay naman ng mensahe ang representative nila na si Atty. Ferdinand Topacio sa PEP.

“Muli po, ang mag-anak nina Gng. Laarni Enriquez, na kabilang si G. Jake Ejercito, ay magalang na nakikiusap kay Gng. Jaclyn Jose na nawa’y huwag na pong magbigay ng kahit na anong pahayag tungkol sa kaso ng kanyang anak na si Bb. Andi Eigenmann at ni G. Ejercito.

“Ang mga matatalas na salitang binitiwan kamakailan ni Gng. Jose na nababalot sa poot, ay hindi nakakatulong upang magkaroon ng maayos na pagtatapos ang usapin na ngayon ay nakabinbin na sa harap ng hukuman.

"Kung mayroong nais sabihin si Gng. Jose, sana ay ilaan na lamang niya iyon para sa hukom kapag nagsimula na ang paglilitis.

"Ang mga uri ng pangugusap na nagmumula kay Gng. Jose ay nagpapalalim lamang ng hidwaan sa pagitan ng dalawang panig."

Statements from Jaclyn Jose are written as is.