Is their a back-to-back Miss Universe hosting for the Philippines?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/09/2017 07:39 PM
Is their a back-to-back Miss Universe hosting for the Philippines?
Nasa bansa ngayon ang ilan sa mga kandidata ng katatapos lang na 65th Miss Universe Pageant na sina Miss Universe Great Britain Jamie Lee Faulker at Miss Universe Spain Noelia Freire para sa isang endorsement dito sa Pilipinas.

READ: What are the 65th Miss Universe candidates doing back in the PH? 

 

Kasabay ng kanilang pag balik dito sa Pilipinas, ang pag-ugong ng mga spekulasyon na dito umano sa Pilipinas gaganapin ang 66th Miss Universe pageant, na nauna nang napabalita sa mga pageant website gaya ng Pageanthology 101 at Missosology.


Ayon sa mga balita, naka takda din umano ang pagbisita dito sa Pilipinas ni MUO head Paula Shugart kasama si Reigning Miss Universe Iris Mitenaire upang makipag pulong sa Department of Tourism.

Dahil sa mga balitang ito excited na si 2017 Miss Universe Philippines Rachel Peters para sa kanyang magiging laban sa Miss Universe

 

"Actually I really wanted it to be in Las Vegas but I'm super warming up with the ideas that it will be happen here and I will be happy for that."

Excitement din ang nararamdaman ngayon ni Miss Universe 2013 3rd runner up Arielle Arida ng nakapanayam ito ng PUSH sa kanyang latest endorsement ng Cosmo Skin.

 

"Nakaka excite kung dito po ulit magaganap ngayong November ang Miss Universe, Just like what I told kay Maxine sinabi ko din kay Rachel na just to enjoy." Sabi pa nito.

Bukod kay Rachel at Ariella, nagbigay pahayag din si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa event ng PLDT Home kung saan naging matipid ang kanyang mga sagot.

"Hindi ko pa po alam kung ano yung final na decision, Hintayin nalang po natin ang magiging announcement ng Miss Universe Organization... Sana matuloy," pahayag pa ni Pia.

Para naman sa ilang pageant enthusiast, 'too soon' kung muling gaganapin ang Miss Universe pageant dito sa Pilipinas na kasalukuyan ngayong humaharap sa iba't ibang isyu ng seguridad.