• Home
  • Fresh Scoops
  • Randy Santiago says his role in La Luna Sangre was unexpected.

EXCLUSIVE: Randy Santiago reveals why he left Willie Revillame’s show

Randy Santiago says his role in La Luna Sangre was unexpected.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/09/2017 11:54 AM
EXCLUSIVE: Randy Santiago reveals why he left Willie Revillame’s show

 

Balik-Kapamilya na ang singer-actor na si Randy Santiago. Gagampanan niya ang role bilang ama-amahan ni Daniel Padilla sa na mag-uumpisa nang ipalabas sa primetime bida ng ABS-CBN simula June 19.

Ayon kay Randy na eksklusibo siyang makausap ng PUSH, last month pa siya nagpaalam kay Willie Revillame bilang director ng programa nito sa GMA-7. Ang rason ni Randy, gusto niyang balikan ang pagkanta.


“Siyempre, nagko-conflict sa pagkanta, kumakanta kasi ako, eh. Pero wala pa ‘to (La Luna Sangre), wala pa ‘tong project nung nagpaalam ako sa kanya.

“Nakakahiya kasi na kapag kumakanta ako, ibang director ang nagdidirek (ng show niya). Siyempre, nahihiya naman ako sa kanya,” simulang pahayag ni Randy.

Inamin din ni Mr. Shades na gusto na talaga niyang tuluyang bumalik sa pagkanta.

“Gusto ko rin talagang bumalik sa pagkanta. Siyempre pag nasa likod ako (ng kamera), isang taon din akong wala sa TV, di ba?

“Active naman ako bilang singer, kaya lang, yung para pagtuunan ko ng panahon na makagawa ako ng album, hindi eh. Siyempre, lagi kaming puyat don,” pagtatapat ni Randy.

Almost ten years na raw siyang hindi nakakagawa ng album. In fact, ang Biente Na Hihirit Pa ang huling album na nagawa ni Randy.

“Yon ang nami-miss ko. Eh, kasi merong mga umaasang bumalik ako, sila naman ang gusto kong pagbigyan. Sabi nila, ‘Kuya Rands, labas ka naman ng album.’ Sabi ko, sige tingnan natin,” kuwento niya.

Patuloy pa ni Randy, “Pinaplano ko na talagang bumalik, tapos eto, nagkataon naman na nung sinabing, ‘Puwede ka bang mag-soap?’ Ako? Ako magso-soap?

“Siyempre, natuwa ako. Pero sabi ko, tanungin mo muna kay Direk (Cathy), kasi hindi naman ako nagso-soap. Pero katulad ng sinabi ni Direk, light lang yung character ko, parang comic relief.

“Nakakatuwa naman na kinonsider ako. Kaya imbes na ako ang tanungin n’yo kung gusto ko, si Direk Cathy ang tanungin n’yo kung gusto niya akong makasama.”

Eh, kumusta naman ang experience na maidirek ng kapwa niya director?

“Siyempre, pag iba ang director iba yon kasi hindi ako ang director don. Kumbaga, artista ako don at importante sa artista ang sumunod ka sa kanya. Kasi hindi ka naman pababayaan ng director mo, eh, lalo na kay Direk Cathy.

“Kaya artistang-artista ako sa La Luna. Kahit suggestion ayokong magbigay. Hahaha! Dahil gusto kong maramdaman din yung pagiging artista. Masarap din yung maidirek kay ni Cathy,” paliwanag niya.

Samantala, naikuwento rin ni Randy sa PUSH na nananatili siyang Star Music artist at hindi siya umalis dito kahit naging busy siya sa pagdidirek.