• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio admits she is now more confident about her body.

EXCLUSIVE: Loisa Andalio reveals the secret to her image change

Loisa Andalio admits she is now more confident about her body.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/09/2017 01:36 PM
EXCLUSIVE: Loisa Andalio reveals the secret to her image change

 

Blooming at napakaganda ni Loisa Andolio nang humarap siya sa press para sa presscon ng concert na 4 Of A Kind (The Unforgettable Concert) kasama sina Kristel Fulgar, Sue Ramirez, at Maris Racal na gaganapin sa Music Museum on July 8.

Sa exclusive interview ng PUSH, ini-reveal ng dating PBB Teen housemate kung bakit blooming siya ngayon at ala-Liza Soberano ang aura.


“Para lang po akong nanalamin sa inyo,” natatawa at pabiro niyang pahayag sa amin.

Patuloy ng dalaga, “Nagwo-work out po kasi ako. Talagang pinaghirapan rin po yan. Nagda-diet din po ako.

“Dati po napakatakaw ko. Ngayon, talagang kailangan maging strict sa pagkain. Puro prutas po ako ngayon, ganyan. Nuts din po.

“Hindi na po ako nagra-rice, siguro simula pa last year. Pero minsan, nagra-rice din po ako, kunyari prize ko ka sa sarili ko, yung ganyan, kunyari napagod ako or minsan ay cheat day.

“Pero hindi na po kagaya dati na araw-araw puwede kang kumain ng tatlong rice, hindi na po ngayon,” tsika pa niya sa PUSH.

Ano naman ang satisfaction na nakuha niya sa pagpapapayat?

Aniya, “Mas okey siya. As in, nag-boost yung confidence ko sa sarili. Kasi dati nahihiya akong mag-shorts, magpakitang legs, ng skin.

“Kasi dati, pag dumikit ako sa mga kasama ko, ako yung bilogan talaga. Ngayon, nadagdagan talaga yung confidence ko.”

Hindi ba special someone ang dahilan ng pagda-diet at pagiging blooming niya?

“Ay, hindi po. Para po ito sa sarili ko. Para rin sa career. Hahaha,” rason niya.

Ngayon ay unti-unti nang napapansin si Loisa. Mukhang siya nga ang next in line sa ipu-push ng Star Magic at ABS-CBN.

Ano ang reaksyon niya dito?

“Siyempre masaya po ako kasi nabibigyan po ako ng opportunity. Kasi di ba, napakarami po naming artista dito, sobrang dami po talaga kaya happy po ako na nabibigyan ako ng break.

“Ako naman po, wala akong sinasayang na… as in, kahit anong ibigay sa akin tinatanggap ko po talaga at binibigay ko po yung best ko talaga,” bulalas ni Loisa.