Charo Santos set to do another Lav Diaz movie

Charo Santos gives a few details about her new film.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/09/2017 01:34 PM
Charo Santos set to do another Lav Diaz movie

 

Mula sa award-winning movie noong 2016 na Ang Babaeng Humayo, isa na namang kaabang-abang na pelikula ang nakatakdang gawin muli ng ABS-CBN Chief Content Officer at Maalaala Mo Kaya host Charo Santos sa pamumuno muli ng award-winning na director na si Lav Diaz.

Sa panayam na ito ng PUSH sa kapamilya bossing, game na game nitong ibinahagi ang kanyang ibang pinagkaka-abalahan.


 

"My activities are different now, I appeared in a movie last year Ang Babaeng Humayo and I think I'm doing another one this year, another Lav Diaz movie," pahayag pa nito.

 

Dito nagbigay siya ng detalye tungkol sa upcoming movie.

"It will be shot in Singapore, the entire film will be shot in Singapore. The story is about an OFW who comes home to bury her son but na-delay yung flight niya and she has to stay in Singapore airport and she met young OFWs during the transit and she got to know the way thinking of these young workers, yes they worked hard do their families but they also thinking of themselves," pagbabahagi pa nito.

Aminado din ang kapamilya bossing na dumating din ang pagkakataon na kinakabahan din siya sa pakikipag trabaho kay Lav Diaz.

"Nakaka-nerbyos din because yung first day ko kay direk Lav Diaz, parang si direk pa naman walang rules ‘di ba? Parang he really doesn't block the scene bahala ka and you have to understand your own character and go through the motions as if there's no camera. So the initial days of shooting parang you're so unsure parang hindi ka sigurado, parang 'tama ba yung ginagawa ko?' kaya humihingi ako ng feedback doon sa mga kasama ko kasi nahihiya naman ako kay direk," pahayag pa ni Charo.

Pagbibiro pa ni Charo, well adjusted na siya sa kanyang pagbabalik artista. Aniya bilang isang producer din alam niya ang sakripisyo ng bawat isa sa produksyon at ayaw niyang sayangin ito.

"I will never be a problem to a producer because I am a producer and I know the producer goes through di ba. So I don't think I will cause anyone, any mishap di ba na-appreciate ko kung ano ang pinagdaraaanan ng production. I've been on the other side," paliwanag pa nito.

Labis din ang saya ng Kapamilya Bossing para sa patuloy na pag-ani ng parangal at papuri ng Ang Babaeng Humayo.

"I'm so happy because it also got a distribution in the US and I've read few reviews and siyempre nakakataba ng puso," pahayag pa nito.