2017 Miss Earth Philippines candidates revealed

12 finalists to be revealed on finals night.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/09/2017 11:50 AM
2017 Miss Earth Philippines candidates revealed
Photo from miss earth FB

 

Sa isang media conference dinner na naganap kagabi, June 8, ipinakilala ng Carousel Productions ang 40 candidates para sa 2017 Miss Philippines Earth.

Magaganap ang coronation night sa July 15 sa Mall of Asia Arena at mapapanood sa ABS-CBN ang two hour special kinabukasan ng 10 am.


Ayon sa official website ng pageant, mapapanood na rin ngayon via live streaming ang pre-pageant activities ng Miss PH Earth sa kanilang Facebook account.

Tatlong mahahalagang aspeto ang hinahanap sa mga delegates para sa Miss PH Earth: figure and form, beauty of face and poise, at intelligence category. Ang top 12 finalists ay ihahayag sa gabi rin mismo ng finals.

Naging kontrobersyal ang pagpapalit ng reigning Miss PH Earth ngayong taon matapos mag resign ni Imelda Shweighart at pinalitan ni Loren Mar Artajos na siyang magpapasa ng korona sa kanyang successor.

Narito ang official candidates para sa 2017 Miss PH Earth: