Piolo Pascual explains why he was seen at rival network's compound

The actor says he is a solid Kapamilya.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/08/2017 01:15 PM
Piolo Pascual explains why he was seen at rival network's compound

 

Diretsong sinagot ng Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual ang mga kumakalat na balitang pakikipag-meeting umano niya sa GMA network matapos siyang makita sa compound nito kamakailan lang.

"Sinundo ko lang si Joyce [Joyce Bernal], ano ba?" paglilinaw ni Piolo nang makapanayam ng PUSH sa launching ng 3 short films na proyekto ng SunLife. Malapit na magkaibigan ang batikang direktor at si Piolo. 


 

 

Paliwanag ni Piolo nanatili at solid ang kanyang pagiging Kapamilya at Star Magic artist.

"I'm very much with ABS-CBN, I'm very much ABS and you know, I don't have bad blood with anyone, it was done in a good faith. Nobody welcomed me in GMA as they were saying, I just went their to pick up Joyce and that's it," sabi ng aktor.

Paglilinaw pa ni Piolo hindi siya nawawalan ng kontrata sa Kapamilya network at nakalinya pa din ang ilan sa mga proyekto na kanyang gagawin ngayong taon.

Dito nagbibigay update na din si Piolo sa upcoming movie na pagsasamahan nila ni Toni Gonazaga.

"Yes almost halfway through, we shoot twice or thrice a week kaya mabilis. Tuloy-tuloy kasi regular ang shoot namin," maiksing pahayag pa ni Piolo.