Mark Bautista on shooting incident: ‘Medyo nakakatakot lang talaga’

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/08/2017 12:55 PM
Mark Bautista on shooting incident: ‘Medyo nakakatakot lang talaga’


Sa Bandila, ikwinento ng singer na si Mark Bautista kung paano may bumaril sa kotseng sinasakyan niya at ng kanyang mga kasamahan noong Lunes ng mga alas siyete ng gabi, sa Seattle, Washington, USA. Papunta si Mark noon sa isang theater para mag-perform sa stage musical na Here Lies Love.

“Huminto lang yung kotse namin and then yung kotse sa harap namin bigla siyang nagpaputok. Lumabas siya sa sunroof ng kotse, black guy na bata pa, hawak niya dalawang baril pinagpuputok lang niya and going to our direction.”

Ani Mark, “yumuko kami lahat. Ako nasa harap, yung driver yumuko, narinig ko na lang mga 15 shots siguro yun.”


Nainterview si Mark ng local TV news sa Seattle at di daw niya inaakala na magiging isang security concern ito. “Di pa kasi nahuli e, so pwedeng puntahan kami sa theater… Naglagay sila ng guard or police sa stage door ng theater. May service na kami ngayon to the hotel. For now, pinapakiramdaman lang muna ng lahat and medyo nakakatakot lang talaga.”

Ayon sa report, mananatiling under tight security protection sila Mark at mga kasamahan niya hanggang hindi pa nahuhuli ang namaril.