• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolina Magdangal, Karla Estrada, Melai Cantiveros celebrate first anniversary of ‘Magandang Buhay’

Jolina Magdangal, Karla Estrada, Melai Cantiveros celebrate first anniversary of ‘Magandang Buhay’

Jolina Magdangal, Karla Estrada, Melai Cantiveros grateful for the friendship that their show has strengthened.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/8/2017 11:34 AM
Jolina Magdangal, Karla Estrada, Melai Cantiveros celebrate first anniversary of ‘Magandang Buhay’



Masayang ipinagdiriwang ngayon nina Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai Cantiveros ang kanilang unang taon ng pamamayagpag sa ere bilang mga host ng daily morning show na Magandang Buhay.

 

Kasabay ng magandang rating ng programa ay ang patitibay ng pagkakaibigan ng tatlo.

"Buong- buo na, gusto na nga naming sirain e," pagbibiro ni Karla.

Aniya sa kabila ng nga biruan at minsang ‘di pag kakaintinidigan, solido na ang samahan nilang mga 'Momshies'.

 

"Napakasarap sa pakiramdam ng mga nagyayari. Kasi napakahirap sa isang show na mayroon kayong hindi napagkakasunudan. Sa amin kasi nag-iintinidhan kami para maging masagana ang aming pagsasama," sabi pa ni Karla.

Bukod sa mataas na rating ng programa, bonus naman kung maituring ni Melai ang friendship na mayroon sila ngayon.

"Thankful talaga kami kay Lord kasi aside sa blessing sa aming family, blessing sa friendship namin ito na nauwi sa pagtatrabaho namin na super komportable talaga kami kaya thank you, Lord," pahayag ni Melai.

Aminado naman si Jolina na parang naglalaro nalang silang tatlo sa programa dahil sa closeness nilang mga Momshies.

"Ako naman ang na-feel ko sa aming tatlo, parang 'ay one year na pala?' So parang nagulat kami kasi parang effortless kasi para nalang kaming naglalaro."

Pagbibida naman ni Karla ang pagiging at home ng kanilang mga guest na kampante sa kanilang chikahan.

"Ang pinakamasarap sa feeling yung pag-upo ng mga guest namin diyan sa sofa, sobra silang relax at nag eenjoy. ‘Yung wala pa kaming sinasabi tawang-tawa na sila," sabi pa nito .

Ngayon naka-isang taon na ang Magandang Buhay, nais nila Jolina, Karla at Melai na imbitahin sa kanilang programa bilang mga guest ang kanilang mga idolo na sina Maricel Soriano, Aga Muhlach, Richard Gomez, Nora Aunor at Vilma Santos.