• Home
  • Fresh Scoops
  • Former child star LA Lopez also talks about reviving his singing career.

EXCLUSIVE: Former child star LA Lopez talks about life as a missionary

Former child star LA Lopez also talks about reviving his singing career.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/08/2017 11:35 AM
EXCLUSIVE: Former child star LA Lopez talks about life as a missionary


Labing-anim na taon nagpahinga sa showbiz ang dating child actor na si LA Lopez na nagmarka bilang isa sa mainstay ng childrens show na Eh Kasi Bata at ang "Iodized Salt" infomercial ng Department of Health.

Ngayon sa ating exclusive interview, ibang LA Lopez na ang nagpakilala pero nanatili ang talento at pagmamahal sa showbiz.

"With God's Grace I am doing good," unang pahayag ni LA.


Nagbabalik si LA sa pagkanta at nakapag-record ng bagong single.

"I just released my first single Ikaw Pa Rin LA Lopez under Star Music. This is my comeback song after 16 years," sabi ng dating child actor.

Malayo sa magulo at maingay na mundo ng showbiz na kinalakihan ni LA ang pinagkaka-abalahan nya sa ngayon.

"I am a full-time missionary pastor to the Philippines from Florida USA, of Abundant Harvest Ministries. With God's grace, I, together with my family, was able to plant a church in Quezon City and another satellite church at outskirts of Taguig.

“Our ministry caters to the less fortunate ones, not to influencers. The gospel needs to be shared to all, most especially the youths.

“We have medical missions and gospel sharing and feeding program to youths ages 6 and above every Fridays."

Pero kahit naiiba na ang pinagkaka-abalahan ngayon ni LA, hinanap-hanap nya pa rin ang pagkanta.

"I would say I missed singing and expressing myself in this avenue."

Dala ni LA hanggang ngayon ang mga natutunan nya sa showbiz na nagagamit sa pang araw-araw na buhay.

"Malaki po natutunan ko talaga. And it took me all these years to learn it and take to heart. My hiatus was truly a humbling experience to me.

“Number one po, stay focused. Yes there is passion to pursue a dream and passion is very important, but more than passion I would like to share how my favorite actor Coco Martin inspired me to look at it in a different perspective. Work lang talaga ang gusto niya, sabi niya hindi niya hinangad sumikat, pero ang kailangan lang niya ay trabaho para makatulong sa pamilya at ngayon ang dami niyang natutulungan na tao. Ang higit ko pang hinangaan ay yung mga datihang (veteran actors) artista na hindi na nabibigyan ng trabaho, natulungan niyang makabalik muli at magkaroon ng hanapbuhay. Yun ang gusto ko at hinangaan kay Mr. Coco Martin. Hindi maramot, hindi inhibitor ng blessings, humble at nagbibigay ng pagkakataon sa maraming tao."

Ang pagtulong at malasakit sa kapwa ang nasa unahan ng listahan niya ngayon na nagsisilbing inspirasyon.

"Yan po ang gusto kong tularan. Higit kung tinitignan na mas kailangan ko ng trabaho para ma suportahan ko ang ministry na binigay sa akin ng Diyos, at mabuo ko yung longtime dream ko magkaroon ng foundation that could help less fortunate ones and help augment the needs of my church family and build campus churches na maliit lang na pwede alagaan ng pastol.

“The razzle dazzle of showbiz is not my utmost but just like Joseph the dreamer his work as a vizier of Egypt spared Israelites from famine, he was able to preserve life, yan din po ang hangarin ko. Tulad ni Coco Martin na transcend na niya ang pinapangarap ng iba na ‘Kasikatan sa showbiz’ bagkus he is larger than life helping others, to preserve life.

“Kaya yun po natutunan ko na ‘Focus lang sa trabaho’ at pagbutihin ito at huwag pumatol or mag-react sa kahit anong negative na bagay. Maghanapbuhay ng mabuti, mahalin ang trabaho at laging lakipan ng PAG-IBIG kaya ang hashtag ko po ay #SingingForLoveLALopez."

Unti-unti nagbabalik showbiz si LA pero ang pagsisilbi sa Panginoon ang kanyang priority.

"Yes po it is, kaya I thank and praise God na hindi ko sinabi na hindi na ako babalik. In my past interviews I just said ‘Whatever God wills it to be.’ God willing tuloy-tuloy ito sa direction ni God, sa mission ni God at sa anointing ni God. Dahil si Lord Jesus ang magbubukas ng pinto para sa akin at magpapadala ng mga tao na tutulong sa akin at na naniniwala sa ministry that God entrusted me. I am thankful to Tito Roxy Liquigan head of StarmusicPh and sir Jonathan Manalo for encouraging me and supporting me. Gayun din kay tito Mars Ocampo, at sa Dreamscape who has helped God's Ministry through my parents. Thank you Tita Charo Santos and Tita Malou always and forever po. I cannot do it alone, or stage a comeback anytime I please. I believe everything is God's appointed time, in the fullness of time."

Panghuli, nagbigay mensahe si LA sa kanyang followers lalo na ang mga di siya iniwan mula noon hanggang ngayon.

"To all my followers and those who supported me as a child star, from iodized salt, at Batang Lumaki sa Sinturon and Batang Mabait, Eh Kasi Bata, up to my teenage stint during YAKAP days with Star Records, I am so in awe and grateful to hear from you all, through texts, PM, FB, I.G na nandiyan pa rin po kayo supporting me, sending me encouraging messages. Nakakataba po kayo ng puso. Maraming maraming pong salamat sa inyo. You are all God-sent. Again I cannot do this alone, help me po to love my work and make it work so I can help you back and be a blessing to many. Please partner with me and the ministry God entrusted to me as a Pastor to #SingForLoveLALopez #IkawParinLALopez," pagtatapos ni LA.