• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ng ABS-CBN Chief Content Officer na nakausap na niya si Pia tungkol dito.

Charo Santos nagreact na sa issue tungkol sa Pia Wurtzbach story sa MMK

Sinabi ng ABS-CBN Chief Content Officer na nakausap na niya si Pia tungkol dito.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/08/2017 04:45 PM
Charo Santos nagreact na sa issue tungkol sa Pia Wurtzbach story sa MMK

 

Mainit na pinag-usapan noong nakaraang Sabado (June 3) ang naging life story ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach sa Maalaala Mo Kaya na ginampanan ni Liza Soberano. .

 


 

 

 

Bukod sa mahusay na pagganap ni Liza, pinag usapan din sa social media ang naging pahayag ng bagong pamilya ni Uwe Wurtzbach (yumaong ama ni Pia Wurtzbach). Si Robbie Asingua, ang kinakasama ng kanyang ama, ay pinaparatangan si Pia ng pagsisinungaling sa ilang bahagi ng buhay nito.

Kabilang na dito ang paghingi umano ng financial na tulong ng pamilya ng kanyang tatay bago ito sumakabilang buhay, na ayon sa kanila ay hindi totoo.

“What a hell are you doing Pia Alonzo Wurtzbach, making a false story oh yeah you are a big liar your papa never ask money from you, shame to yourself...Your mama got an affair with neighbor name Jojo, that's why papa abandoned your mother and you pretty wow know that all [sic]," pahayag ni Robbie sa kanyang Facebook account.

Kabilang din sa nag pahayag ng kaniyang saloobin ang half-brother ni Pia na si Alexander Wurtzbach kung saan sinasabihan nito ang beauty queen na huwag nang gamitin ang apelyido ng kanilang ama. 

“Sa lahat lahat ayaw ko yung sisiraan mo ang patay na.wala ng kinalaman yun eh. Karmahin sana kayo parang walang pinagaralan. Wag mung dadalahin ang apelyedo na yan kung alam mo ganyan ugali ng tatay mo,” saad nito sa kanyang Facebook account.

Samantala sa naganap na Launching ng SunLife collection of short films kahapon June 7, nagpahayag si ABS-CBN Chief Content Officer at MMK host Charo Santos ng kanyang reaksyon tungkol sa isyu.

“We talked to Pia, MMK talked to Pia. That’s her story so we respect her story,”  pahayag nito.

Sa ngayon wala pang opisyal na pahayag si Pia tungkol sa mga isyu na ibinabato sakanya ng kanyang mga kaanak.