• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta also discusses her failed movie reunion with Gabby Concepcion.

Sharon Cuneta shares updates on her comeback movie with Star Cinema

Sharon Cuneta also discusses her failed movie reunion with Gabby Concepcion.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/07/2017 10:52 AM
Sharon Cuneta shares updates on her comeback movie with Star Cinema


Aprubado kay Megastar Sharon Cuneta si Liza Soberano para sa pag-ganap nito bilang ang Pinay superhero na si Darna.

Dahil isa si Megastar sa mga minsang gumanap na Darna, amindo si Sharon na isa siya sa mga excited at mag-aabang para sa paglipad ni Liza bilang si Darna.

 


"I really love Liza Soberano. I knew before pa, alam mo naman dito (Star Cinema) kami kami din nagkaka-alaman but honestly maka-Liza ako and my kids they really love Liza," saad pa ni Sharon.

Nagbigay din ng update si Megastar tungkol sa naudlot niyang comeback movie with Star Cinema kung saan kasama sana niya ang kanyang original ka-love team na si Gabby Concepcion.

"September daw ang shooting. Nasayang nga ang taon ko sa pag-hihintay e the right word 'kaka-paasa' hindi ng Star Cinema ha! Parang natapon ang buong taon ko kasi paiba-iba e. So sana from the beginning pa lang nalaman na natin na 'hindi pala,'" pahayag pa ni Sharon.

Nagbigay ng clue din si Megastar sa bagong leading man na kanyang makakasama sa kanyang upcoming movie with Star Cinema.

"Ngayon may new leading man whom I'm just too happy to start the movie with, Has to do muna to finish his teleserye first here (ABS-CBN) so I have to wait till September," sabi pa nito.

Bukod sa Star Cinema movie na kanyang pinaghahandaan, isa din sa inaabangan ngayon ni Sharon ang kanyang unang beses na pag sali sa Cinemalaya sa kanyang entry na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

 

"I'm very proud of it my first ever indie film. If you will not consider Crying Ladies as an indie film, my Cinemalaya film which I'm so honored to be doing is directed by Mes De Guzman which I also co-producing is called Ang Pamilyang Hindi Lumuluha which is a feel good movie," pahayag pa ni Sharon.

Bukod sa mga plano ng balik-pelikula at pagiging coach sa The Voice Philippines Teen Edition, nakatakda din ang pagbabalik ni Mega sa concert tour sa America na tatagal ng mahigit isang buwan. Special guests niya sina Ian Veneracion at Ai-Ai Delas Alas.