• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai Cantiveros reveals plans for latest one million win on ‘Bet On Your Baby’

Melai Cantiveros reveals plans for latest one million win on ‘Bet On Your Baby’

Melai Cantiveros has won the grand prize on three separate shows.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

6/7/2017 11:05 AM
Melai Cantiveros reveals plans for latest one million win on ‘Bet On Your Baby’



Sa set ng morning show na Magandang Buhay na nagse-celebrate ng isang taong anniversary, nakausap natin ang isa sa hosts ng show na si Melai Cantiveros na recently ay nanalo ng one million jackpot sa Bet on Your Baby reality game show ng ABS-CBN.

Hindi makakalimutan ni Melai ang winning moment nila ng kanyang panganay na anak.

"Parang binigay talaga ni Lord sa amin kasi si Miss Judy Ann (Santos) hindi rin namin alam ice cream ang sagot tapos one million na naman ang nabiyak. Happy lang talaga binigay talaga ni Lord," sabi ni Melai.

Ibinahagi pa ni Melai kung ano sa tingin niya ang nagdadala ng suwerte sa kanya. Ito na ang pangatlong big win ni Melai na nauna na sa Pinoy Big Brother at pangalawa sa Your Face Sounds Familiar.

"Wala naman ako lucky charm. Ang lucky charm ko ang pamilya ko siyempre. Ang anak ko pinanganak ko ng April 9, tapos ako April 6, tapos yung isa ko pang anak April 3 so 3-6-9 kami yun siguro swerte," pahayag ng host-comedian.

Dagdag pa ni Melai na sa ipon ng kanilang dalawang anak ni Jason Francisco mapupunta ang bagong blessing na nakuha niya.

"Ang plano namin mag-asawa, ilagay sa savings ng mga anak namin or else para invest namin kung saan dapat invest pero ang plano talaga ilagay para sa mga anak namin," sabi ni Melai.

At sa kabila ng problemang pinagdaanan nilang mag-asawa, mas malakas na ngayon ang kanilang pamilya dahil mas pinili nila na magpatawad at mahalin ang isa’t-isa.

"Napag-tagumpayan namin ang unos, thank you Lord!" pagtatapos ni Melai.