• Home
  • Fresh Scoops
  • Gab Valenciano reveals his plans after his ‘I Can Do That’ stint.

Gab Valenciano discusses life beyond showbiz

Gab Valenciano reveals his plans after his ‘I Can Do That’ stint.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/07/2017 10:35 AM
Gab Valenciano discusses life beyond showbiz

Malaki ang pasasalamat ng I Can Do That performer na si Gab Valenciano sa bagong mga kaibigan na nakilala nya sa kanilang programa.

Hindi man pinalad na mai-uwi ang title bilang "Greatest Entertainer" na napunta kay Wacky Kiray, masaya pa din si Gab para sa kanyang naabot sa programa.

"Di ba nga tawag nila doon sepanx? Yung separation anxiety, feeling ko more than the show itself I’m going to miss the people kasi talagang lahat sila naging pamilya ko na. Again, it’s such a blessing. Look at my phonebook. Ang dami ko naging bagong kaibigan.”


Sa pagtatapos ng I Can Do That, bagong chapter naman ng career ang haharapin ngayon ni Gab na tatalikuran muna ang pag-aartista.

Aniya isang production company ang itinayo niya at ito muna ang kanyang haharapin.

"Showbiz is not my main goal, hindi ko goal yan. I’ve mentioned this before na I’m starting something new and we’ve already been working the past two months silently."

Sa naging desisyon niyang ito, kuwento ni Gab na may blessing na ng kanyang mga magulang at pamilya ang kanyang naging desisyon.

"This is where I want to build my legacy. Showbiz… ‘di ko naman minamaliit but showbiz I feel like showbiz has run its course with my life."

Dagdag pa ni Gab, hindi siya tuluyan mawawala sa showbiz dahil ito ang mundo na kinalakihan niya at nandito rin halos lahat ng kanyang mga kaibigan.