Coco Martin, tinulungan makapag-aral muli ang mga batang aktor ng “Ang Probinsyano”

Mag-aaral na dito sa Maynila sina Dang, Ligaya at Paquito.

BY
Eric John Salut

FRESH SCOOPS

06/07/2017 06:42 PM
Coco Martin, tinulungan makapag-aral muli ang mga batang aktor ng “Ang Probinsyano”

 

Matatandaan na early this year, naging part ng cast sina Paquito (James Sagarino), Ligaya (Shanthel Ngujo) at. Dang (Rhian Lorraine Ramos). Sina Paquito at Ligaya ay mula sa Cebu at si Dang ay taga Luzon. Bukod kina Simon Pineda at Awra Briguela, ang tatlong bata ang karagdagang cast sa FPJ’s Ang Probinsyano.

"Napamahal na sila kay Coco," sabi ng kausap namin. "Alam natin how Coco loves kids. At mababait na bata sila."


Dito sa Maynila, the 3 kids with their parents ay binigyan ng disenteng tirahan ng production ng Ang Probinsyano.

Noong June 6, sa pakiusap ni Coco, dinala ni Ang Probinsyano Executive Producer sa Angelicum College ang mga bata. Nag-fill up ng enrolment forms at nag complete ng requirements. The following day, June 7, nag-take naman ng entrance exams ang tatlong bata at naipasa ito. Kaya agad silang na-enrol. Sinagot ni Coco ang tuition fees, school books and supplies, uniform, shoes ng tatlo.

Mayroong special program ang Angelicum College para sa mga batang artista tulad nina Paquito, Dang at Ligaya.

Di na mabilang ang mga kwentong kabutihan ni Coco sa maraming tao. And Coco doesn't even want to talk about it na lang.

Narito ang masasayang photos nina Paquito, Ligaya at Dang during the enrolment and testing sa Angelicum College.