• Home
  • Fresh Scoops
  • Pokwang admits she has wanted to work with Coco Martin for a long time now.

Pokwang says it is a dream come true to work with Coco Martin

Pokwang admits she has wanted to work with Coco Martin for a long time now.

BY
Eric John Salut

FRESH SCOOPS

06/06/2017 01:03 PM
Pokwang says it is a dream come true to work with Coco Martin


Masayang-masaya si Pokwang dahil sa kasama na siya sa regular cast ng FPJ’s Ang Probinsyano. Dream kasi ni Pokwang na makasama at makatrabaho si Coco Martin sa isang teleserye.

“Alam n’ya ‘yan, lagi kong sinasabi sa kanya ‘yan,” sabi ni Pokwang.

“[Ang] tagal na naming magkaibigan, nagkasama na kami sa maraming shows abroad pero never pa kaming nagsama sa teleserye. Kaya ngayong andito na ako sa Ang Probinsyano, ang saya saya ko talaga,” kuwento pa ni Pokwang.


Nakakatuwa ang kwento ni Pokwang kung paano nagsimula na naging part siya ng top rating teleserye.

“Ganito ‘yan, noong nag show kami sa U.S. ni Coco nitong April, sabi ko, chance ko na ito para masabi sa kanya na gusto kong mag guest sa teleserye niya. Noong dinner after ng show namin sa U.S., papalapit na ako sa kanya, tapos sabi niya, ‘Mama Powks (‘yun ang tawag niya kay Pokey), alam mo may role ako for you sa Ang Probinsyano’. Sa totoo lang, kinilabutan ako.

“Pag-upo ko, kinuwento na niya yung role na naiisip niya for me. Naloka ako. Kasi hindi lang guesting, new cast ng Book 2 pa. Kaya sa totoo lang, very memorable and fruitful sa akin yung trip na yon with Coco,” kwento ni Pokwang.

Sabi pa ni Pokwang, blessing in disguise yung hindi natuloy na guesting niya sa Ang Probinsyano.

“Ang alam ko, dapat guest ako last year, maganda yung role. Kaya lang, hindi kaya ng sched ko yung taping days. Hindi nag match. Nanghinayang talaga ako. Pero ngayon, naisip ko, blessing in disguise yun kasi magiging regular cast pala ako ng show.

“Kaya nga nung nag guest si Papang (Lee O’ Brian) sa Ang Probinsyano, nainggit ako. Naunahan pa niya ako, hahahaha!”

Aminado si Pokwang na dream para sa mga tulad niyang komedyante ang mahuhusay na aktor lalo na sa ABS-CBN. Pokwang has worked with Gerald Anderson and John Lloyd Cruz sa Nathaniel. Si Zanjoe Marudo sa My Illegal Wife, Cinco at iba pa. Si Piolo Pascual naman ay nakasama niya sa mga concerts both locally and abroad.

“Ang husay naman kasi nung Coco, sa totoo lang,” sabi ni Pokwang.

“At isa sa pinakagusto ko sa kanya, walang kayabang yabang, walang ere. Pero pagdating sa trabaho, perfectionist. At higit sa lahat, mabait at matulungin sa pamilya, sa kapwa at paladasal.”

Naikwento din ni Pokwang na gustung gusto ni Pokwang ang role niya sa serye. “Close to heart, hahahahahaha! May twist kasi later on. Masaya ako bilang Amor Nieves, the kasera nina Coco. At teka lang naman, kaeksena ko lang naman ang Queen, Ms. Susan Roces. O saan ka pa. Hari ng telebisyon si Coco at Reyna ng Pelikulang Pilipino, si Tita Susan.

“Si Yassi (Pressman), naku mahal na mahal ko yan. Nakatrabaho ko yan sa Wangfu, napaka-sweet na bata. Happy ako na nasa ABS na siya, kasi madalas nya makwento sa akin noon na dream niyang magkaroon ng show sa ABS. O saan ka ngayon, leading lady ni Coco.

“Gusto ko yung community namin nina PJ (Endrinal) who is playing my younger brother. At si Jeffrey Tam.

Sa ngayon, Pokwang enjoys reporting to the set of Ang Probinsyano.

“Ang saya saya ng set, ng community. Kahit nuknukan ng init, keri lang. At abangan n’yo yung twist sa character ko. Bongga yun!”