• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos says working with Vilma Santos would be a career milestone.

Judy Ann Santos looks forward to working with Vilma Santos

Judy Ann Santos says working with Vilma Santos would be a career milestone.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/06/2017 01:04 PM
Judy Ann Santos looks forward to working with Vilma Santos


Dream come true kung maituturing ng kapamilya actress na si Judy Ann Santos ang makasama sa isang proyekto ang Star For All Season na si Vilma Santos.

Sa naganap na advanced taping ng Magandang Buhay episode, nakapanayam natin si Judy Ann tungkol sa umuugong na balita na pagsasama nila sa isang proyekto ni Cong. Vilma.

 


"Talaga?! Wow! Hindi ko pa alam promise. Talaga ba? Sana talaga matuloy." gulat na pahayag ni Juday.

"Sa totoo lang hindi pa kami nakakapag-usap ni Ate Vi kasi wala pang chance na magkaroon talaga kami ng moment na makapag-usap," sabi pa ni Juday.

Kuwento ni Juday, matagal na niyang hiling sa Star Cinema ang isang proyekto kung saan makakasama si Ate Vi.

"Matagal ko ng nilalambing yan sa Star Cinema ang dami lang talagang ganap, kaya, please! Please! Sana talaga matuloy."

Ayon pa sa aktres, ang makasama ang Star For All Season ang siyang bubuo sa kanyang karera bilang aktres at artista.

"Lagi ko talaga request kay MNS [Malou N. Santos] na 'Sana magkaroon ako ng movie with Ate Vi'. Siya nalang kasi talaga yung hindi ko pa nakakasama. At parang kulang e, kulang ang pagiging artista mo kapag hindi mo siya nakatrabaho. Lahat ata ng artista gusto talaga siya makasama at isa ako doon," ani pa ni Juday.

Ayon pa kay Juday sa ngayon ay naghihintay lang siya ng isang magandang materyal na ibibigay sa kanya ng kapamilya network.

"Ako kung ano ang i-offer ng Star Cinema sa akin ngayon basta ready ako at maganda ang proyekto bakit hindi? Basta feeling nila kaya kong itawid gagawin ko. I trust Star Cinema with so many things naghihintay lang naman ako ng isang magandang istorya."

Sa ngayon abala si Juday bilang host sa kanyang top rating game show na Bet On Your Baby.