• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson and Arci Muñoz share their thoughts on ‘exes with benefits’

Gerald Anderson and Arci Muñoz get candid about their thoughts on ‘exes with benefits’

Gerald Anderson and Arci Muñoz share their thoughts on ‘exes with benefits’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/06/2017 01:09 PM
Gerald Anderson and Arci Muñoz get candid about their thoughts on ‘exes with benefits’


Sa presscon ng Can We Still Be Friends ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Arci Muñoz at Gerald Anderson ay naitanong namin sa dalawa kung posible bang maging intimate ulit (have sex) ang dating magkarelasyon kapag naging friends na sila.

Ani Gerald, “Kaya nga may tanong, eh, ‘Can we still be friends,’ di ba? Ang hirap, eh, kasi minsan nagkaroon kayo ng past, nagkaroon kayo ng intimacy.

“Tapos magkasama kayo, kunyari kayo lang dalawa. Yon yung challenge eh. Ano ba talaga, friends ba talaga tayo pero may feelings pa rin ba ako sa ‘yo? Kapag tinuloy ko ba ito (sex), alam ko o alam niya na wala rin naman ding mapupuntahan ito.”


Naniniwala si Gerald na kapag nangyari ang ganun ay nawawala na totally ang respeto ng dating magkarelasyon sa isa’t isa.

“You’re just getting satisfaction for one night? Tapos masama ang pakiramdam mo after, di ba? Ang daming… decision making talaga.

“Tama yon, yung respeto wala na kapag… lalo na kapag lagi, laging mong ginagawa lalo na kapag wala kayong commitment sa isa’t isa,” katwiran pa niya.

Naibahagi rin ng leading man ni Arci sa Can We Still Be Friends na may iba’t ibang set-up ng relasyon ngayon.

“Minsan may break, tapos hindi naman totoong break, which is may ganu’n din sa movie na ’to.

“Puwede kasing ilang beses naman kayong nag-break talaga pero alam n’yo sa sarili n’yo na, ‘Ay, hindi naman talaga kami break.’ Kanya-kanya muna kayo pero at the end of the day alam n’yong hindi naman kayo break talaga.

“Di ba may mga ganu’n? Ater another six months break na naman. Iba-ibang sitwasyon, eh,” paliwanag pa ng aktor.

Sa part naman ni Arci, hindi rin siya siyempre pabor sa “intimacy after breakup” na posibleng maganap sa dating magdyowa.

“Di ba, parang kung matagal na kayong magkasama, matagal kayong mag-girlfriend-boyfriend, pag nagkita kayo at break na kayo, magiging komplikado lahat, eh.

“Kung gagawin n’yo yon (sex), challenge yon sa inyong dalawa. Gagawin n’yo ba ito for one night tapos it’s going to ruin everything again. Eh, di kung ganun, di magbalikan na lang kayo.”

Patuloy pa niya, “Bakit mo ba gagawing complicated yung mga bagay-bagay? Kung may feelings pa kayo, try n’yong ayusin, para magawa n’yo yon, para makapag-sex ulit kayo nang maayos at wala kayong problema.

“Pero kung wala na talaga, wag na. Wag nyo ng gawin.”

Showing na ang Can We Still Be Friends on June 14. Directed by Prime Cruz, this film is from Star Cinema.