• Home
  • Fresh Scoops
  • Nikko Natividad is happy about son Aiden’s appearance on ‘Bet on Your Baby’

EXCLUSIVE: Nikko Natividad wants son Aiden to join showbiz

Nikko Natividad is happy about son Aiden’s appearance on ‘Bet on Your Baby’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/06/2017 01:02 PM
EXCLUSIVE: Nikko Natividad wants son Aiden to join showbiz

Sobrang saya ni Hashtags member Nikko Natividad nang inimbitahan ng Bet On Your Baby na maglaro sa game show ang anak niyang si Aiden Natividad na noong baguhan pa lang siya sa showbiz ay isinikreto niya muna.

“So far, wala naman po akong nakitang negative sa guesting ng anak ko sa Bet On Your Baby. Hindi sa ginagamit ko yung anak ko para sa career ko, nilabas ko yon para sa sariling kapakanan namin.

“Kasi yung Bet On Your Baby, hindi naman para sa akin, guesting ng anak ko yon. Ang pera nga na napanalunan niya na P10,000, sabi ko, para sa anak ko yon,” kuwento sa PUSH ni Nikko.


Um-oo raw agad siya nang imbitahang mag-guest ang anak niya.

“Hindi para sa exposure ko yon, eh. Para yon sa experience ng anak ko at wala akong nakikitang masama. Sabi ko nga, wala namang negative feedback pagkatapos noon,” rason pa niya.

Natutuwa rin si Nikko na unti-unting nakikilala ang kanyang anak nu’ng magsimula na silang lumabas na magkasama at makita ang bata sa TV.

Aniya, “Normal na ngayon pag nagmo-mall kami ni Aiden hindi katulad dati na medyo patago. At saka kilala nila yung anak ko. Nu’ng nag-Brunei nga kami, kilala nila yung anak ko kahit sa airport.”

Type din daw niyang pag-artistahin si Aiden.

“Gusto ko nga siyang ipasok sa showbiz, eh. Pero yon ay kung gusto ng anak ko. Para sa sarili niya. Hindi yung para makatulong sa akin… para sa sarili niya.

“Kasi kitang-kita ko sa kanya yung interes, eh. Hindi siya takot sa tao. Talented. Umaarte sa bahay. Sumasayaw.

“Sa tingin ko hindi siya nagmana sa akin kasi mahiyain ako, eh. Kahit nung college mahiyain ako, eh. Lumabas na lang itong pagiging makulit ko nung nag-showbiz na ako. Yung kay Aiden, baka natural yung ganu’n niya, yung mahilig siya sa art,” pahayag pa niya.

Guest si Nikko sa concert ni Michael Pangilinan at do’n niya ipinakita na puwede rin naman siyang kumanta. Wala ba siyang balak karirin ang pagiging singer?

“Naku, nakakanta lang ako pero hindi ako singer,” natatawa niyang sabi. “Ang gusto kong karirin ay yung pagho-host, sobra.

“Yung pagkanta, yon yung part na lang ng pangungulit ko sa stage. Siyempre, sa pagsu-show, hindi naman puwedeng puro sayaw, di ba? Dapat may kanta din,” pagtatapos ni Nikko.