Daniel Padilla and Kathryn Bernardo sinabing puno ng aksyon at kilig ang “La Luna Sangre”

Excited na ang Kathniel sa kanilang upcoming teleserye.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/06/2017 04:33 PM
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo sinabing puno ng aksyon at kilig ang “La Luna Sangre”

 

Muling bibida ang tambalan ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla and this time para sa isang maaksyong teleserye na La Luna Sangre kung saan makakasama nila sina John Lloyd Cruz, Angel Locsin at ang bagong kapamilya na si Richard Gutierrez.

Ayon sa KathNiel puspusan na ang martial arts training nila na kanilang ipapakita sa pag uumpisa ng kanilang proyekto.


 

"Nagte-training kami ni Kathryn martial arts yun din siguro ang bagong ipapakita namin ni Kathryn sa teleseryeng ito, yung flavor ng martial arts and ng action," sabi pa ni Daniel.

Sabi rin ni Kathryn aasahan ang nakakakilig na kwento ng pag-iibigan na kanilang ihahandog sa mga manunuod.

"Lalagyan natin ng kaunting rom-com pa din siyempre. So ayun yung interesting part, kung paano paghahaluin ang action and rom-com para balanse at saka masarap panoorin. Basta dito sa 'La Luna' ngayon lahat talaga ng emotions na gusto mo papasok from action, drama and rom-com," pahayag ni Kathryn.

Kampante naman ang KathNiel sa gabay na ibibigay sa kanila ng direktor na si direk Cathy Garcia Molina.

"Perfect si direk Cathy dito kasi ma aksyon siya, magaling siyang magpatawa, lalo na sa drama. So kayang-kaya niya itong serye na ito. I'm very excited dahil malaking tulong si direk Cathy para sa amin ni Kathryn, dahil magaling siyang mag-motivate, yung guidance niya at very comfortable na kami kay direk Cathy," ani pa ni DJ. 

Labis din ang pananabik ng dalawa sa unang beses nila nalaman na makakasama nila sa proyektong ito si Richard Gutierrez.

 

"Nung nakita ko, kasi may group chat kami, tapos nag-send ng picture doon yung buong cast, the characters e talagang na excite ako. Kasi ang galing nang pagpili ng casting nito. Ang ganda. I'm sure ang mga tao mismo talagang mae-excite sila kasi ang galing eh. Bagay talaga sa kani-kanilang characters yung cast na kinuha," pahayag pa ni Daniel.