• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis welcomes ex-boyfriend Richard Gutierrez to the kapamilya network.

Anne Curtis is open to Richard Gutierrez being a guest on ‘It’s Showtime’

Anne Curtis welcomes ex-boyfriend Richard Gutierrez to the kapamilya network.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/06/2017 01:20 PM
Anne Curtis is open to Richard Gutierrez being a guest on ‘It’s Showtime’


Looking forward ngayon ang mga fans ng newest kapamilya artist na si Richard Gutierrez para mga proyektong gagawin nito sa ABS-CBN.

Kabilang sa mga inaabangan ngayon ng mga followers ni Richard ay ang kanyang espesyal na pag-ganap bilang hari ng mga bampira na si Sandrino sa upcoming teleserye na La Luna Sangre.

Isa din sa mga inaabangan ng mga fans ni Richard ay ang kanyang upcoming movie sa Star Cinema na Wife Husband Wife kung saan makakasama naman nito si Angelica Panganiban at Angel Locsin.


Dahil dito, ilan na sa mga kaibigan at kasabayan ni Richard sa industriya ang nag-welcome sa kanya bilang isang kapamilya artist, kabilang na ang Its Showtime Host at dating girlfriend na si Anne Curtis.

"Welcome Chard! Welcome to ABS-CBN!" sabi pa ni Anne ng nakapanayam natin ito sa #IwAnnebe event ng Cherry Mobile.

Ayon pa kay Anne, walang problema sa kanya kung sakaling maging guest ito sa It's Showtime.

"Why not? Sana sila ni Mond [Raymond Gutierrez]. Sayang nga e sakto sa segment ng It's Showtime na Twin It To Win It so sayang." Ani pa ni Anne

Sabi pa ni Anne, mas maganda kung makakasama ni Richard si Raymond upang maging contestant ito sa kanilang segment.

"Wouldn’t it be cute to see both Richard and Raymond sa Showtime ‘di ba?" pahayag pa ni Anne.

2004 nang isapubliko nina Richard at Anne ang kanilang relasyon na tumagal lamang ng isang taon.

Sa ngayon parehong masaya si Richard and Anne sa kani-kanilang mga love life.