• Home
  • Fresh Scoops
  • Noon pa sinabi sa amin ni Ejay Falcon na bukod sa Star Magic ay nakikipag-meeting na siya kay Perry Lansigan para magpa-manage dito. Pormal na ngang nangyari ang announcement tungkol dito.

EXCLUSIVE: Ejay Falcon clarifies he has no intention to switch networks

Noon pa sinabi sa amin ni Ejay Falcon na bukod sa Star Magic ay nakikipag-meeting na siya kay Perry Lansigan para magpa-manage dito. Pormal na ngang nangyari ang announcement tungkol dito.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/05/2017 08:13 AM
EXCLUSIVE: Ejay Falcon clarifies he has no intention to switch networks

Si Ejay ay nasa management team na ngayon PPL Entertainment, Inc. Siya ang bagong karagdagan sa grupo ng mga artistang tulad nina Dingdong Dantes, Jaclyn Jose, Angelika dela Cruz at marami pang iba na mina-manage ni Perry.

Pero nilinaw ng dating PBB Teen grand winner na kahit nagkaroon siya ng bagong manager ay wala naman daw siyang balak lumipat ng ibang TV network. “Hindi naman ako aalis sa ABS-CBN. Kapamilya pa rin po ako,” paniniguro ng binata.

“Naka-focus ako sa ginagawa ko ngayon. May hindi pa umeereng show, may Probinsyano pa, papasok pa ‘yung karakter ko sa Probinsyano,” dagdag pa niya. Sa tanong namin kay Ejay kung naging okey ba ang paghihiwalay nila ng discover/manager na si Benjie Alipio, aniya, “Okay naman po kami ni Tito Benjie. Sinabi ko naman noon pa sa kanya ang plano ko. Alam ko naman pong naiintindihan niya yon.”


Taus-puso rin daw siyang nagpapasalamat sa pagmamalasakit at pag-aalagang ginawa sa kanya ng dating manager. “Hinding-hindi ko po malilimutan yon. Habang buhay ko po yung tatanawin na utang na loob sa kanya,” reaksyon ng aktor.

Ayon pa kay Ejay, gusto pa niyang i-improve ang sarili kaya balak niyang mag-undergo sa personality development course if necessary. “Lahat naman tayo, ‘di ba, gusto nating nag-i-improve, naggo-grow bilang tao? Siguro may mga kailangang ayusin sa akin at matutulungan nila ako sa part na yon.

“Siguro ito ‘yung mga workshops, mga ganu’n, personality development, lahat, iba-iba,” sabi pa niya. Inamin din ng aktor ang totoong dahilan kung bakit siya nagpa-manage sa iba

“May hinahanap lang akong mga trabaho outside -- endorsements, indie, mga pelikula, ganyan,” rason niya. Samantala, magti-taping pa lang si Ejay para sa Ang Probinsyano kung saan isang sundalo din ang kanyang role na katulad ng ginawa nila noon ni Coco Martin sa SAF44 episode ng MMK.

May teleserye na rin siyang ginawa – ang The Promise of Forever – na hanggang ngayon ay hindi pa naipapalabas ng ABS-CBN.