• Home
  • Fresh Scoops
  • Matagumpay na naganap last June 3 ang isa sa unang projects ng Actors’ Guild sa ilalim ng bagong chairman na si Imelda Papin at ito ang all-star benefit concert na naganap sa SM Sky Dome.

Actors’ Guild mounts all-star fund raising project

Matagumpay na naganap last June 3 ang isa sa unang projects ng Actors’ Guild sa ilalim ng bagong chairman na si Imelda Papin at ito ang all-star benefit concert na naganap sa SM Sky Dome.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/05/2017 08:01 AM
Actors’ Guild mounts all-star fund raising project
Photo credit to imelda_papin IG
Di matatawaran ang celebs na nag-perform ng libre para makalikom ng pondo ang kanilang samahan kaya’t happy si Imelda. "Ang nararandaman ko ay masayang masaya ako dahil overwhelming ang support ng members ng Actors’ Guild o ng Katipunan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon. Very positive. At nagulat din ako hindi ko akalain," ani ni Imelda.

Makabuluhan at marami ang matutulungan ng nasabing fund raising project lalo na ang senior stars na di na masyado active aa showbiz. "We’re raising funds for the medical mission for senior citizens and gusto ko na lahat ng members ay maging member din ng PhilHealth. Gusto ko may support ang guild kahit man lang doon sa maging member sila," dagdag pa nito.

Wala na daw adjustment na naganap kay Imelda sa bago niyang role as Actors’ Guild president dahil na break in na siya noon pa man sa pulitika. "At home ako agad kasi ito naman talaga ang ginagawa ko ‘di ba? Yung pagtulong sa mga kapwa artista even before marami na ako natulungan," paliwanag ni Imelda.

Isusunod na ang pagbabalik ng Star Olympics na muli magpapasigla ng samahan sa movie industry. "Abangan niyo ang pinaplano ni Robin Padilla na sports fest. Magaganap ito this coming September 3 at ang proceeds nito will go to the Actors’ Guild," sabi pa ng singer.