• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia also reveals how he plans to deal with bashers who are Julia Barretto-Ronnie Alonte fans.

Joshua Garcia plans traditional courtship for Julia Barretto

Joshua Garcia also reveals how he plans to deal with bashers who are Julia Barretto-Ronnie Alonte fans.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/04/2017 11:04 AM
Joshua Garcia plans traditional courtship for Julia Barretto

All smiles na nagbigay ng update si Joshua Garcia sa status ng samahan nila ng ka-love team na si Julia Barretto. Ayon kay Joshua, mas close na sila ngayon at nasasabi na ang mga personal na detalye ng kanilang buhay kasama na ang mga pagsubok. Pero wala pa rin masasabing label ang kanilang relasyon.

"Ganun pa rin kami pero mas open na kami ngayon sa isa’t-isa. Nagkakasabihan na talaga ng problema. Ibang-iba kaysa dati pero wala pang kami kasi kailangan mo muna paghirapan yun, kailangan mo muna ligawan si Julia eh."

Nagpaliwanag din si Joshua sa tawag na "My Queen" na ibinigay niya kay Julia. Nararapat lang daw ito para sa dalaga.

"Kasi kaya ‘My Queen’ ang tawag ko sa kanya kasi gusto ko itrato siya ng ganun. Dapat tinatrato siya ng ganun kasi para sa akin deserve niya."


Dahil ka-tandem din ni Julia si Ronnie Alonte na makakasama sa isang paparating na teleserye ng ABS-CBN, naintindihan ito ni Joshua. Kasama na rin dito ang pagtira sa kanya ng bashers sa sicial media.

"Magagalit lang naman ang bashers at fans nila kung makikisabay ako sa kanila pero ako magta trabaho lang ako," pagtatapos ni Joshua.