• Home
  • Fresh Scoops
  • Who among the final four will win the first I Can Do That great entertainer title?

I Can Do That Grand winner to be revealed tonight

Who among the final four will win the first I Can Do That great entertainer title?

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/04/2017 10:33 AM
I Can Do That Grand winner to be revealed tonight


Puspusan ang naging paghahanda ng apat na celebrity entertainers na maglalaban para sa I Can Do That The Battle For Greatness.

Pasabog at talagang pinaghandaan nina Daniel Matsunaga, Wacky Kiray, Gab Valenciano, at Cristine Reyes ang kanilang mga ginawa sa finals night.

“Sobrang saya ko na umabot ako dito sa finals ng I Can Do That. Hindi po biro ang lahat ng pinagdadaanan namin,” sabi pa ni Daniel, na ginawa ang acrobatic stunts sa ere.


Hindi naman inasahan ni Wacky Kiray, na tumulay sa alambre gamit ang isang bisikleta, na aabot siya bilang isa sa top contenders.

“Kumbaga noong una nilalaro ko lang hindi ko talaga ini-expect na makakapasok ako.”

Si Cristine Reyes na nag-iisang babae sa finals aminadong delikado ang ginawang final act na may pagbuga pa ng apoy.

“Hindi ako takot sa apoy pero delikado ang gagawin namin.”

Naging bahagi na rin ng competition ang di maiiwasan ang mga injury na kinaharap ng mga performers.

“Right now if you have noticed my shoulders are hyper extended. Hindi ko siya masyado pwede galawin. I hyper extended it kahapon sa training, ngayon ‘di ko siya ma-rehearse,” kuwento pa ni Gab na gumamit ng malaking metal ring sa kanyang finale performance.

Matatandaan din na nagkasakitan din ang mga finalist gaya ng kay Cristine at ay Arci.

“Accidentally natamaan ako ni Arci sa mukha pero di naman part ng act yun pero masakit.” (laughs)

One million pesos ang makukuha ng tatanghaling the great entertainer na dapat abangan ng mga manonood.

Mapapanood ang I Can Do That The Battle For Greatness results sa Linggo pagkatapos ng Rated K.