• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis comments on possibly taking on the iconic Darna villain role.

Anne Curtis reacts to possibly playing Valentina in upcoming Darna movie

Anne Curtis comments on possibly taking on the iconic Darna villain role.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/04/2017 11:11 AM
Anne Curtis reacts to possibly playing Valentina in upcoming Darna movie

Kasunod ng pag-anunsyo ng Star Cinema kay Liza Soberano bilang susunod na Darna, nagsulputan ang mga pangalan ng ilang mga sikat na aktres na susunod umano na gaganap bilang si Valentina.

Kabilang sa mga ito sina Iza Calzado, Sarah Lahabati, Venus Raj, at ang It's Showtime host na si Anne Curtis.

Sa naganap na dinner party ng Cherry Mobile #IwAnnebe photo contest, game na game na nagpa-picture si Anne sa mga fans na sumusuporta sa kanya. Dito nagbigay pahayag si Anne tungkol sa mga balitang siya daw si Valentina.

"Huh! As far as I know, hindi," gulat na pahayag nito.


Game din umano si Anne sa posibilidad kung sakaling ipagkatiwala nga sa kanya ng Star Cinema ang iconic villain character sa buhay ni Darna.

"Why not? Why not ‘di ba? Yeah why not?"

Pag-amin pa ni Anne, hindi din umano siya takot sa ahas na pangunahing costume ni Valentina.

Sa ngayon wala pang final announcement ang Star Cinema kung sino pa ang mga posibleng makasama ni Liza sa inaabangang Darna movie.