• Home
  • Fresh Scoops
  • The singer also admits to taking hormones to look more male.

Jake Zyrus reveals he has already undergone chest reconstruction surgery

The singer also admits to taking hormones to look more male.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

06/30/2017 08:05 PM
Jake Zyrus reveals he has already undergone chest reconstruction surgery

 

Matapos humarap sa unang pagkakataon si Charice bilang si Jake Zyrus sa “Tonight with Boy Abunda,” muling nagpa-unlak ng panayam si Jake sa TV5 news reporter na si Mj Marfori at inaming siya ay sumailalim sa female to male (FTM) chest reconstruction surgery o ang pagtanggal ng kanyang dibdib.

“Dr. Pie Calayan—sila yung gumawa. I’m so happy kasi sobrang—hindi naman sa ano—pero maganda. I know hindi pa ako nagpapa-sex transplant, pero I feel complete,” kwento ni Jake.


Bukod dito, gumagamit na rin si Jake ng testosterone booster upang tuluyang magmukhang lalaki.

“Ngayon, I’m on testosterone, two months. [Yung] injection every three months,” ani Jake.

“Masaya ako, pero nahihiya ako. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala. Kasi parang dati—and I’m sure madaming makaka-relate na mga transmen there—siyempre kung hindi ka pa nagkakaroon ng bigote, minsan nagdro-drawing ka pa sa mukha mo, kasi yun yung pangarap mo.”

Para sa kanya, sinusubukan niyang maging matatag upang magsilbing inspirasyon sa iba pang batang kabilang sa LGBT community.