• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson is grateful for the continuing support of Kimerald fans.

Gerald Anderson ibinahagi ang paghahanda sa kissing scene nila ni Kim Chiu

Gerald Anderson is grateful for the continuing support of Kimerald fans.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/30/2017 10:18 AM
Gerald Anderson ibinahagi ang paghahanda sa kissing scene nila ni Kim Chiu

 

Fit at sexy na pangangatawan ang ibinida ni Gerald Anderson para sa naganap na pictorial ng kanyang Cosmo Cee endorsement.

Triathlon ang naging tema ng campaign at pictorial ni Gerald na akmang-akma sa teleserye na pinagbibidahan nila ni Kim Chiu na Ikaw Lang ang Iibigin.

Batak man ang pangangatawan ni Gerald sa sports at ibang physical activities, aminado ang aktor na hindi pa din siya sanay sa ibang activities ng triathlon.

"Pinakamahirap sa akin yung running kasi medyo malaki ang build ko medyo mahirap sumabay sa mga mas payat kaya kung saan ako mas magaling sa bike siguro at mas okay na rin ako sa swimming," sabi pa ni Gerald.

Bukod sa active workout ni Gerald, aktibo din ngayon ang mga Kimerald fans dahil sa mas umiinit na mga eksena sa daytime teleserye nila ni Kim Chiu kung saan officially nang magkarelasyon sina Bianca at Gabriel na kanilang mga karakter.

"We’re back! Kimerald is back kasi nag-kiss na kami! (Laughs) Oo siyempre pinag-uusapan yun talaga may konting adlib din kung ano mga ginagawa ko dati.. (laughs) Yun naman trabaho ko to make it comfortable as possible," ani pa ng actor.

No comment naman si Gerald sa mga negative reactions na ibinabato sa kanya dahil sa balik-tambalan nila ni Kim. Ayon kay Gerald magkaibigan sila ni Kim at hindi na dapat mabigyan pa ng kulay.

Matipid din ang naging pahayag ni Gerald ng tanungin tungkol sa bali-balitang pinagseselosan siya umano ng rumored boyfriend ni Kim na si Xian Lim.

Read: Xian Lim reacts on break-up rumors with Kim Chiu

"I haven't heard that at hindi ko ano yun. Basta masaya ako sa trabaho ko (smile) Hindi ko kailangan sa buhay ko yan ngayon," saad ni Gerald.

Masaya si Gerald ngayon sa samahan nila ni Kim na siyang sikreto ng maganda nilang chemistry sa kanilang serye.

"Hindi namin magagawa yung show kung may ilangan, kung may wall. Hindi yun magwo-work eh, hindi kami mage enjoy," pagtatapos na pahayag ni Gerald.

Sa ngayon malaki ang pasasalamat ni Gerald sa Kimerald fans na walang sawa ang pagsuporta sa kanila ni Kim.