• Home
  • Fresh Scoops
  • Charice, now known as Jake Zyrus, explains how he chose his new name.

Charice on his new name Jake Zyrus: ‘Screen name lang po siya’

Charice, now known as Jake Zyrus, explains how he chose his new name.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/30/2017 11:19 AM
Charice on his new name Jake Zyrus: ‘Screen name lang po siya’

 

Sa Tonight with Boy Abunda, ikinuwento ni Charice—na ngayon ay gumagamit na ng pangalang Jake Zyrus—kung bakit niya napili ang pangalan. Aniya, “Nakaharap lang ako sa salamin tapos parang ang dami-dami kong binabanggit na mga pangalan. Tapos nung binanggit ko yung pangalan na yun kinilig ako.”

Nilinaw din niya na screen name lang niya ang Jake Zyrus.


Nang tanungin si Jake kung ano ang reaksiyon niya dahil hindi nagustuhan ng lola niya ang pagpalit niya ng pangalan, aniya, “lagi naman po sinasabi sa akin ng mommy ko na nandiyan lang naman po siya. And again lagi ko lang din po sasabihin na mahal ko sila kahit na ano man yung sabihin nila or ng lola ko.”

Tinanong din siya ng host na si Boy Abunda kung may balak siya mag-undergo sa sexual reassignment surgery. Ayon kay Jake, “someday, pinag-usapan namin yan, para mas complete yung mararamdaman ko as a man siyempre I will consider that.”

Tungkol naman sa hiwalayan nila ng kanyang long time girlfriend na si Alyssa Quijano, “it was a mutual decision po sa amin that we had to part ways, but nag-usap naman po kami ng maayos.” Nilinaw din ni Charice na walang third party na involved.