• Home
  • Fresh Scoops
  • Joseph Marco and Sam Adjani reveal the perks of having great physiques.

Joseph Marco and Sam Adjani explain why keeping fit is a must for them

Joseph Marco and Sam Adjani reveal the perks of having great physiques.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/03/2017 11:22 AM
Joseph Marco and Sam Adjani explain why keeping fit is a must for them


Applauded ang mga naging eksena ni Jospeh Marco sa blockbuster movie na Dear Other Self kung saan napa-nganga at napa ‘Extra Rice pa more!’ ang admirers ni Joseph dahil sa kanyang mga abs.

Kuwento ni Joseph, extra effort din ang pag maintain ng abs.

 


 

"Kailangan mag maintain kasi sayang naman ang naumpisahan and siyempre mas motivated kasi may pinaghahandaan din tayo."

Dagdag pa ni Joseph, kahit na nagme maintain siya ng healthy lifestyle ay mayroon din siyang mga cheat days lalo na kung sunod sunod ang trabaho.

"Ako malakas din po ako kumain pero siyempre bawas chips, minus MSG, bawal sweets. Yun talaga pero may mga times na bumibigay din talaga ako," pahayag pa ni Joseph.

Para naman kay Mr. World Philippines 2016 finalist at model na si Sam Adjani, ang pagkakaroon ng abs ay hindi overrated.

 

 

"I love having abs and I'm all about getting into it and reaching the next level. But then, if the whole focus of a person is having abs then for me it will becomes overrated."

Sabi pa nito ang pagkakaroon ng fit at well-maintained na katawan ang kanyang advantage sa prestigious male pageant.

"Yes I think we have a very good chance of winning because Filipinos always represent the nation and very well. If the females have this big chance of doing well in pageants, males can do well too," pagtatapos nitong pahayag.