• Home
  • Fresh Scoops
  • Imelda Papin says she is qualified to be part of the Actors Guild.

EXCLUSIVE: New Actors Guild President Imelda Papin reacts on ‘leadership issue’

Imelda Papin says she is qualified to be part of the Actors Guild.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/03/2017 10:42 AM
EXCLUSIVE: New Actors Guild President Imelda Papin reacts on ‘leadership issue’


May mga artistang hindi naiwasang magtaas ng kilay nang malaman na ang singer na si Imelda Papin ang nahalal na bagong presidente ng Actors Guild of the Philippines o KAPPT. Matatandaan na lahat ng mga naging presidente ng KAPPT ay mga artista sa pelikula o telebisyon at hindi kagaya ni Imelda na isang singer.

Paliwanag ni Imelda, “Ako, I believe in destiny, number one. Si Amay (Bisaya), is an instrument kung bakit nangyari ito. He asked me to go back kasi member ako ng Guild pero hindi rin ako naging active.

“Siyempre, may kanya-kanyang trabaho kasi tayo, everybody is busy. So, I was asked to join again. It’s so happened na may amnesty naman si Vice President Rez Cortez na yung mga old member… he was welcoming old members.


“And then, nakapasa ako sa criteria at naging member ako ng Guild. I went there, and I said, ‘Okey,’”

Aminado rin ang Sentimental Songstress na nagdalawang isip pa siya kung tatakbo bilang KAPPT presidente.

“Nung una, medyo reluctant ako kasi talagang busy ako. I filed a protest dahil medyo nagkaroon nga ng konting irregularities sa pagtakbo ko sa Congress.

“Tapos kinumbinse nila ako because Rez is not running anymore (as KAPPT president), so, sabi ko, I’ll think about it,” sabi pa niya.

Patuloy ni Imelda, “Nu’ng dumating na ako doon sa eleksyon sa Mowelfund and I said something na, ‘If you need my services, I’m here and I’ll try my best to help,’ I was elected by many, overwhelming, landslide. Medyo nagulat din ako na natuwa.”

May mga kumwestyon din daw sa kanyang pagkapanalo sa Actors Guild.

“Nung na-elect po ako as president, medyo, ‘Why her? Why Imelda?’ Hindi namin alam na may movies siyang ginawa at nag-artista pala siya dati.

“Sabi ko, hindi naman ako magiging member kung hindi ako pumasa sa criteria ng guild.

Sabi ko, I made a movie with the late Fernando Poe Jr., kami ni Ate Susan (Roces) – yung Mahal Saan Ka Nanggaling Kagabi. Tapos yung kami ni Ruel Vergel De Dios, kaming dalawa yung bida. I’ve done Batang Bicol, etcetera, etcetera.

“And then nagulat sila. ‘Ah, ganu’n ba? Puwede naman pala,’” paliwanag ni Imelda.

Bilang bagong presidente ng Actors Guild ay gumawa agad si Imelda ng isang fundraising event titled A Night With the Stars na gaganapin on June 3 sa Sky Dome ng SM North EDSA.

Layunin ng palabas na makalikom ng pondo na magagamit para sa kapakanan ng mga may edad na miyembro ng Actors Guild.

Kabilang sa nag-volunteer ng kanilang talento sa show ay sina Claire dela Fuente, Eva Eugenio, Kiray, Marco Sison, Keanna Reeves, Patricia Javier at marami pang iba.

Eh, ano naman ang reaksyon ngayon ng ilang members ng Guild na dating against sa kanyang pamumuno?

“They are now supporting us. Don sa iba naman na medyo may duda pa, I’m going to ask them to try me – try Imelda Papin kung paano mag-manage ng isang organisasyon, yon lang naman po,” pagtatapos ng bagong halal na Actors Guild president.