• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Reyna ng Traffic’ Aida Gonzales wants to focus on promoting a healthy lifestyle.

Reyna ng Traffic’ Aida Gonzales makes comeback with advocacy

‘Reyna ng Traffic’ Aida Gonzales wants to focus on promoting a healthy lifestyle.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/29/2017 10:34 AM
Reyna ng Traffic’ Aida Gonzales makes comeback with advocacy

Muling nagbabalik eksena ang original "Traffic Queen" ng iconic ABS-CBN morning show na Alas Singko Y Medya na si Aida Gonzales. Makalipas ang ilang taon simula iwan ni Aida G ang media, nagbabalik eksena siyang muli para sa kanyang pinalagong negosyo na may kinalaman sa health and wellness.

Sa panayam na ito, ikinuwento ni Aida na sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay sa kanyang negosyo ay na-miss naman sa buhay ng isang media practitioner.

"Bumalik ako dahil name-miss ko ang pagiging broadcaster kaya ngayon eighty percent business and twenty percent ang pagiging broadcaster," sabi ni Aida G.


Kasabay ng kanyang comeback ang pagpapakilala nya sa Timeless Health and Beauty na bunga ng sinusunod niyang mas simple at healthy na lifestyle sa ngayon.

"It’s about healthy lifestyle kasi I’m not getting any younger kaya na rediscover ko ang basics na ginagamit sa ating katawan, nakakabawas ng toxins sa katawan kaya na-discover ko ang importance ng turmeric o luyang dilaw," dagdag pa ni Aida G.

Pero gaano man kalayo ang kanyang marating bilang businesswoman at health advocate, hindi makakalimutan ni Aida G ang mga natutunan sa kanyang pinang galingan na morning show.

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang patience, determination, and hard work. Talagang kailangan mo tiyagain lahat ng bagay at kailangan determined ka talaga. Kailangan may sipag kasi kailangan mo yun at kailangan maaga ka gigisingm" kuwento ni Aida G.

At bilang unang project kasabay ng launching ng kanyang negosyo, ipinakilala rin ni Aida ang sampung candidates ng 2017 Search for Miss Philippine Islands na magiging ambassadors ng kanilang healthy campaign.

"Nire-represent nila ang healthy lifestyle na swak sa pino-promote namin na products sa Timeless Health and Wellness kaya plano namin every year gawin na namin ito," pagtatapos ni Aida G.