• Home
  • Fresh Scoops
  • Lucy Torres Gomez admits she and husband have less time for each other now that they’re both in politics.

Lucy Torres Gomez supports Richard Gomez’s career decisions

Lucy Torres Gomez admits she and husband have less time for each other now that they’re both in politics.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/29/2017 10:43 AM
Lucy Torres Gomez supports Richard Gomez’s career decisions

Looking young pa din ang TV host turned politician na si Lucy Torres Gomez ng nakapanyam ito ng PUSH sa kanilang bayan sa Ormoc City, Leyte.

Aktibo ngayon si Lucy bilang lingkod bayan sa fourth district ng Leyte kung kaya extra effort sa kanila ngayon ng kanyang asawa na si Richard Gomez na naninilbihan naman bilang Mayor ng Ormoc City ang pagtagpuin ang kanilang mga schedules.

"Medyo mahirap yung schedule namin ngayon kasi we’re always apart. Weekends na lang kami magkasama but we’re happy kasi we make the most of what's there and I'm happy kasi we both living a [purposed driven] life and I count it as a blessing. We’re young still and we've been given a chance to serve and make a difference somehow," pahayag ni Lucy.

Dahil kapwa abala ngayon ang mag-asawa, kuwento ni Lucy hanga siya sa naging desisyon ng asawa na pansamantala nitong iwan ang mundo ng showbiz na kanyang kinalakihan.

"I think showbiz will always be there for Richard kasi showbiz is really his playground. It's just at this point of his life, his call is to do something else so he has to honor that mandate. And when the time comes maybe he will do a movie someday," sabi pa ni Lucy.

Bukod dito, iisa naman ang sagot ni Lucy at Goma sa mga nagtatanong kung pabor pa sila na mag-artista ang kanilang 17-year-old daughter na si Juliana.

 

🍊

A post shared by Juliana Gomez (@gomezjuliana) on

"I always tell Richard na 'What if maging artista si Juliana?' Sabi niya 'You know there's nothing really wrong if she decided to go on that way someday. But for now ang priority niya is yung study niya,’" ani pa ni Lucy.

Bilang isang magulang, proud din si Lucy para sa unica ija nila na si Juliana dahil sa mga naging prioridad nito sa mura nitong edad.

"I'm happy that she knows that [priorities]. Also sa ngayon parang wala pa naman sa kanya ang showbiz. Aral muna daw siya kasi mahiyain siya talaga and ang tagal bago mo mapapayag na ma-interview," pahayag pa ni Lucy.