• Home
  • Fresh Scoops
  • Dingdong Dantes excited about getting to work with his idol Aga Muhlach.

Dingdong Dantes at home na sa kapamilya

Dingdong Dantes excited about getting to work with his idol Aga Muhlach.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/29/2017 10:25 AM
Dingdong Dantes at home na sa kapamilya

Muling nagbabalik ang aktor na si Dingdong Dantes para sa isang kaabang-abang na proyekto sa Star Cinema kung saan makakasama niya sina Enrique Gil, Cristine Reyes, Ronaldo Valdez, at Aga Muhlach na may working title na Seven Sundays.

Dahil, dito masaya ang kapuso actor dahil sa mga pagkakataon na naibibigay sa kanya ng Star Cinema.

"Lahat ng nabibigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho kahit ano pa yan ay isang blessing. Pero para maging para makabuluhan ang trabaho na gagawin mo kailangan doble ang saya," panimula ng actor.


Aniya ito ang unang beses na gagawa siya ng isang family-oriented film na malayong-malayo sa kanyang mga nakagawiang karakter noon gaya ng One More Try at ang kanyang recent blockbuster movie na The Unmarried Wife.

"First time kong gagawa ng ganitong klase na proyekto na involved ang pamilya may nanay, may tatay at mga kapatid. Madalas kasi nagpapaiyak lang ako ng mga nagiging asawa ko sa mga roles ko so it's such a breather for me to do a family movie," sabi pa ni Dingdong.

Masaya din ang aktor dahil sa pagkakataon na ito ay makakasama niya sa isang proyekto ang isa sa mga iniidolo niya na si Aga Muhlach.

"Si kuya Aga bago palang talaga ako pumasok sa industriya he's one of the people I really look up to kaya excited ako."

Aminado din si Dingdong na at home na siya sa Star Cinema kung kaya hindi na mahirap pa para sa kanya na pumayag sa panibagong offer na ito sa kanya ng Star Cinema.

"Iba yung feeling kapag may trust involved. Just like any family it's built on trust and love ‘di ba? E para sa akin na-build yung trust throughout the years because I entrust also my craft and my talent kaya magagandang proyekto ang nagbibigay sa akin likewise. I'm grateful that they [Star Cinema] trust me enough para mabigyan ng ganitong mga roles kaya inaalagan ko yun. Kaya I'm happy to be back," pahayag pa ni Dingdong.

Nakagawa na din si Dingdong ng ilang pelikula sa Star Cinema gaya ng Segunda Mano (2011) One More Try (2012) She's The One (2013) at ang The Unmarried Wife (2016) na lahat ay certified blockbusters