• Home
  • Fresh Scoops
  • Shy Carlos also says she never got impatient waiting for her big break.

EXCLUSIVE: Shy Carlos explains why she’s never had a boyfriend

Shy Carlos also says she never got impatient waiting for her big break.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/24/2017 09:55 AM
EXCLUSIVE: Shy Carlos explains why she’s never had a boyfriend
Photo credits to @shaichai IG

 

Almost nine years na sa Viva Artists Agency (VAA) si Shy Carlos pero ngayon lang siya nabigyan ng malaking break sa pelikula bilang isa sa mga bida sa Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz under the direction Katsky Flores.

Hindi ba siya nainip?


“Ayoko rin naman na minamadali ang mga bagay-bagay. Parang kung eto, eh, di okey. Kung wala, eh, di okey din. At least, pag binigyan ako ng project gagawin ko na lang yung best ko,” sagot ni Shy na aminadong biggest break niya noon ang paglabas sa Be Careful With My Heart series ng ABS-CBN.

Patuloy niyang kuwento, “Lagi naman akong happy sa nangyayari sa career ko. Happy rin ako sa mga projects na binibigay sa akin ever since. Inaalagaan naman ako ng Viva at yon din ang maganda sa kanila.”

Sa Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz ay hindi raw naiwasan ni Shy ang maging daring.

“Nagpakita ako ng skin dito sa movie. Pero para sa akin, hindi ko siya tini-treat as pa-sexy kasi ni-require siya ng role, eh. And talagang hindi naman… wholesome pa rin naman yung pagkakagawa.”

Handa rin naman daw siyang magpaseksi eventually, pero depende pa rin daw yon sa role.

“Siguro, yes. Mas challenging, mas medyo daring and as long as hinihingi siya ng character at hindi siya magiging bastos tingnan, okey ako. Para sa akin yung role talaga ang importante,” reaksyon pa niya.

Shy is 22 years old at aminadong NBSB (No Boyfriend Since Birth) siya. In short, never been kissed at never been touched ang drama niya.

“Gusto ko na ngang i-try para magka-experience,” sambit niya.

“Pero masaya naman ako kahit walang boyfriend. I mean, sobrang important sa akin na kilalanin ang sarili ko at maging confident ako before ko i-share yon sa another person,” dagdag niya.

Hindi ba siya ligawin ng guys?

“Hindi, eh,” pag-amin niya. “Meron namang mga pumuporma, nagte-text pero hindi ako ma-reply. Pag alam kong papunta na do’n, ‘Ops, bye!’ Pero hindi rin talaga ako ligawin nang sobra.”

Eh, kelan niya balak magka-boyfriend?

“Kapag happy na ako sa sarili ko. Happy naman ako now, pero pag mas happy na ako. Siguro pag mga 25 na ako,” natatawa niyang pagtatapos.

Showing ang Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz on June 28 at kasama ni Shy sa pelikula sina Sarah Lahbati, Michael Rivero, Julian Trono, at marami pang