• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Cathy Garcia Molina reveals the reason she left ‘La Luna Sangre.’

Direk Cathy Garcia Molina out na sa ‘La Luna Sangre’; in sa ‘Seven Sundays’

Director Cathy Garcia Molina reveals the reason she left ‘La Luna Sangre.’

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/28/2017 10:31 AM
Direk Cathy Garcia Molina out na sa ‘La Luna Sangre’; in sa ‘Seven Sundays’

 

Ikinagulat ng TV press ang announcement ni Direk Cathy Garcia Molina kagabi, June 27, sa story conference para sa pelikulang Seven Sundays ng Star Cinema na siya ring pagbabalik pelikula ni Aga Muhlach kasama sina Dingdong Dantes, Cristine Reyes, at Enrique Gil. Naitanong kasi sa director kung paano niya hahatiin ang oras sa bagong sisimulan na pelikula at sa top rating serye na La Luna Sangre na siya rin ang namamahala.

Sinabi ni Direk Cathy na titigil na siya sa pagdidirek ng teleserye para makatutok na sa bagong sisimulang pelikula.


"I got out of La Luna already para makapag-concentrate na po ako dito kaya goodbye La Luna na po ako," kuwento ni Direk Cathy.

Maiiwan sa La Luna si Direk Richard Arellano at papasok naman bilang kapalit ni direk Cathy ang Pusong Ligaw director na si GB Sampedro.

"Si Direk Richard Arellano po ang direktor at makakasama si Direk GB Sampedro at ang magagaling na fight directors doon. Salamat sa lahat ng nanood ng La Luna," sabi ni Direk Cathy.

Nakasalubong naman natin si GB Sampedro sa isang hotel sa Quezon City at kinumpirma nito ang balita na siya na ang magdidirek ng La Luna Sangre at umalis naman siya sa Pusong Ligaw.